
Ni Lin Fan, Espanya
Akala ko mabuti’ng mga nagpapasaya ng tao, nung ’di pa ako nananalig sa Diyos. Mahinahon ang mga disposisyon nila, gusto sila ng lahat, ’di sila nakakasakit ng iba. Hinangad kong maging gaya nila. Dahil mula nung bata ako, siniksik sa isip ko ng lipunan ang mga gaya ng “Yaman ang pagkakasundo, kabutihan ang pagtitimpi,” “May nakikita mang mali, manahimik na lang,” At “Manahimik para sa sariling proteksyon.” “Kung kaluguran ang kamangmangan, kahangalan ang maging mautak.” Hindi, “Sa pananahimik sa kasalanan ng kaibigan.” Isinaisip ko ang mga ideyang ito at isinabuhay. Hindi mahalaga kung pamilya at mga kaibigan o kakilala lang, ’di ako nakasakit sa sinuman, at laging sumunod sa gusto ng iba. Pinuri ako ng lahat dahil mabait ako sa mga tao at madaling pakisamahan. Nadama ko rin na para mabuhay sa madilim, at masamang lipunang ito dapat kang makisama sa nakapaligid sa iyo, dahil ’yon lang ang paraan para magkalugar ka. Nang tanggapin ko’ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, makastigo’t mahatulan ng salita Niya’t maunawaan ang ilang katotohanan, nakita kong mala-satanas na pilosopiya’ng mga prinsipyong ’to para mabuhay, mala-satanas na lason, hindi prinsipyong dapat panghawakan ng tao. Nakita kong sa pamumuhay sa ganitong paraan, lalo ’kong naging mapanlinlang, makasarili’t kasuklam-suklam, satanikong disposisyon lang ang ’sinabuhay ko’t ’di ako kawangis ng tao. Namuhi ako sa sarili ko’t nagsisi sa Diyos. Magpatuloy magbasa “Paalam, Mapagpasaya ng Mga Tao!”