Category: Iba pang mga Katotohanan ng Ebanghelyo
Ang Katotohanang Nauugnay sa Ebanghelyo: Pinagsasama-sama ang mga katotohanang sinambit ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw tungkol sa kaalaman sa gawain ng Diyos para suriin ninyo ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Magpatuloy magbasa “Paano Magsagawa upang Masalubong ang Pagbabalik ng Panginoon”
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito. Nguni’t dahil sa sinasabi ko ang katotohanan, ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan. … Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito’y hindi ninyo dinirinig, sapagka’t kayo’y hindi sa Dios” (Juan 8:44–47). Magpatuloy magbasa “Ano ang likas na katangian ng problema ng hindi pagkilala ng tao sa mga katotohanang ipinahayag ni Cristo? Ano ang mga bunga ng hindi pagtrato ng tao kay Cristo bilang Diyos?”
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Pagsisikap na matamo ang katotohanan ang pinakamahalaga, at napakasimple lamang isagawa ito. Dapat kang magsimula sa pagiging matapat na tao at pagsasabi ng totoo, at pagbubukas ng puso mo sa Diyos. Kung may isang bagay na hiyang-hiya kang sabihin sa mga kapatid mo, dapat kang lumuhod at sabihin iyon sa Diyos sa panalangin. Ano ang dapat mong sabihin sa Diyos? Sabihin mo sa Diyos kung ano ang nasa puso mo; huwag kang sumambit ng mga salitang walang katuturan o magtangkang lokohin Siya. Magsimula sa pagiging matapat. Kung naging mahina ka, sabihin mong naging mahina ka; kung naging masama ka, sabihin mong naging masama ka; kung nanloko ka, sabihin mong nanloko ka; kung nagkaroon ka ng masasama at walang-kabuluhang kaisipan, sabihin mo iyon sa Diyos. Magpatuloy magbasa “Paano dapat magsagawa at pumasok sa pagiging matapat ang isang tao?”
Ni Li Fang, China
Noong taglagas ng 2002, si Sister Zhao na mula sa aking denominasyon, ang Iglesia ng Katotohanan, ay isinama sa aking tahanan ang kanyang pamangking si Sister Wang, para sabihin sa akin ang magandang balita tungkol sa pagparito ng Panginoon. Matapos ang ilang araw na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa detalyadong pagbabahagi ni Sister Wang, naunawaan ko na, mula sa paglikha ng daigdig hanggang sa ngayon, ang Diyos ay nagampanan na ang tatlong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan. Ang ibang katotohanan na nalaman ko rin ay ang paggamit ng Diyos ng ibang pangalan sa bawat yugto ng Kanyang gawain, ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos sa bawat kapanahunan, at ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, atbp. Magpatuloy magbasa “Paano Ako Muntik nang Maging Hangal na Dalaga”
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Kailangan ninyong malaman na gusto ng Diyos ang matapat na tao. Ang Diyos ay may diwa ng katapatan, kaya’t ang Kanyang salita ay palaging mapapagkatiwalaan. Higit pa, ang Kanyang mga pagkilos ay walang kapintasan at hindi mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos yaong mga lubos na matapat sa Kanya. Ang ibig sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; huwag kailanman maging huwad sa Kanya sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi kailanman nagtatago ng katotohanan; huwag kailanman gawin yaong nanlilinlang sa mga nakatataas at nagliligaw sa mga nasa ibaba; at huwag kailanman gawin yaong pagmamagaling lamang ng iyong sarili sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pag-iwas sa karumihan sa mga kilos at salita, at ang hindi manlinlang ng Diyos o tao. Magpatuloy magbasa “Ano ang isang matapat na tao? Bakit gusto ng Diyos ang matatapat na tao?”
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, nadaramang Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Magpatuloy magbasa “Ano ang tunay na panalangin?”
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Gaano karaming nilalang ang naroong namumuhay at nagpaparami sa malawak na kalawakan ng sansinukob, paulit-ulit na sumusunod sa batas ng buhay, sumusunod sa isang palagiang alituntunin. Yaong mga namamatay ay dinadalang kasama nila ang mga kwento ng nabubuhay, at yaong mga nabubuhay ay inuulit ang kaparehong kalunus-lunos na kasaysayan niyaong mga namatay. Kaya’t hindi mapipigil ng sangkatauhan na itanong sa kanilang sarili: Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang namamahala sa mundong ito? Magpatuloy magbasa “Paano pinamamahalaan at pinangangasiwaan ng Diyos ang buong sansinukob?”
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Ganito ang sabi ng Panginoong Jehova: Sa aba ng mga pastor ng Israel na pinakakain ang kanilang sarili! Hindi baga dapat pakanin ng mga pastor ang mga tupa? Kayo’y nagsisikain ng gatas, at kayo’y nangananamit sa inyo ng lana, inyong pinapatay ang mga pinataba; nguni’t hindi ninyo pinakakain ang mga tupa. Hindi ninyo pinalakas ang payat, o inyo mang pinagaling ang may sakit, o inyo mang tinalian ang may bali, o inyo mang ibinalik ang iniligaw, o inyo mang hinanap ang nawala; kundi inyong pinagpunuang may karahasan at may kahigpitan” (Ezekiel 34:2–4). Magpatuloy magbasa “Kailangang mahiwatigan ng mga mananampalataya ang mga huwad na pastol at mga anticristo para iwaksi nila ang relihiyon at magbalik sila sa Diyos”
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27).
“Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). Magpatuloy magbasa “Paano dapat unawain ng isang tao ang tinig ng Diyos? Paano maaaring mapagtibay ng isang tao na ang Makapangyarihang Diyos ay talagang ang nagbalik na Panginoong Jesus?”