Ang mga sakunang nagaganap sa buong mundo sa mga nakalipas na taon ay lalong lumalaki at lumalala at, sa pagkagimbal ng tao, mga lindol, baha, tag-tuyot, wildfire, taggutom at pagkalat ng mga sakit ay madalas na nangyayari at nagkalat. Nasa pabago-bago at magulong estado ang mundo, at ang giyera, mga marahas na pagkilos, kaguluhan sa rehiyon at mga pag-atake ng mga terorista ay madalas mangyari at patuloy na tumataas. Magpatuloy magbasa “Ang Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon ay Natutupad Na; Paano Natin Siya Dapat Salubungin?”
Category: Ebanghelyo
Pinagsasama-sama ang bawat katotohanang nauugnay sa ebanghelyo, mga Tanong at Sagot tungkol sa ebanghelyo, mga patotoo tungkol sa pagbabalik sa Diyos at mga paksa ng ebanghelyo na tutulong sa inyo na maunawaan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at tanggapin ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus.

Magpatuloy magbasa “Paano Magsagawa upang Masalubong ang Pagbabalik ng Panginoon”

Ni Lin Fan, Espanya
Akala ko mabuti’ng mga nagpapasaya ng tao, nung ’di pa ako nananalig sa Diyos. Mahinahon ang mga disposisyon nila, gusto sila ng lahat, ’di sila nakakasakit ng iba. Hinangad kong maging gaya nila. Dahil mula nung bata ako, siniksik sa isip ko ng lipunan ang mga gaya ng “Yaman ang pagkakasundo, kabutihan ang pagtitimpi,” “May nakikita mang mali, manahimik na lang,” At “Manahimik para sa sariling proteksyon.” “Kung kaluguran ang kamangmangan, kahangalan ang maging mautak.” Hindi, “Sa pananahimik sa kasalanan ng kaibigan.” Isinaisip ko ang mga ideyang ito at isinabuhay. Hindi mahalaga kung pamilya at mga kaibigan o kakilala lang, ’di ako nakasakit sa sinuman, at laging sumunod sa gusto ng iba. Pinuri ako ng lahat dahil mabait ako sa mga tao at madaling pakisamahan. Nadama ko rin na para mabuhay sa madilim, at masamang lipunang ito dapat kang makisama sa nakapaligid sa iyo, dahil ’yon lang ang paraan para magkalugar ka. Nang tanggapin ko’ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, makastigo’t mahatulan ng salita Niya’t maunawaan ang ilang katotohanan, nakita kong mala-satanas na pilosopiya’ng mga prinsipyong ’to para mabuhay, mala-satanas na lason, hindi prinsipyong dapat panghawakan ng tao. Nakita kong sa pamumuhay sa ganitong paraan, lalo ’kong naging mapanlinlang, makasarili’t kasuklam-suklam, satanikong disposisyon lang ang ’sinabuhay ko’t ’di ako kawangis ng tao. Namuhi ako sa sarili ko’t nagsisi sa Diyos. Magpatuloy magbasa “Paalam, Mapagpasaya ng Mga Tao!”

Ni Yongyuan, Estados Unidos
Noong Nobyembre ng 1982, lumipat ang buong pamilya namin sa USA. Lahat kami ay may pananampalataya sa Panginoon simula sa henerasyon ng lolo ko, kaya nakahanap kami kaagad ng isang iglesia ng mga Chinese sa Chinatown ng New York pagkatapos dumating sa Estados Unidos para makadalo kami sa misa. Hindi kami pumalya sa pagdalo ng misa, at matiyaga ang aking ina at kapatid na babae lalo na tungkol sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan sa tuwing may oras sila upang hingin ang pagpapala at pangangalaga ng Diyos. Madalas sabihin ng pari: “Kapag dumating ang Panginoon, hahatulan Niya ang mga tao nang hayagan at hahatiin sila ayon sa mga kategorya: Yaong mga tunay na nagsisisi at nangungumpisal at nagsasagawa ng kanilang pananampalataya ay mapupunta sa langit; yaong mga nakagagawa ng maliliit na kasalanan ngunit hindi mabibigat na kasalanan ay daranas ng pagdurusa sa purgatoryo, ngunit maliligtas pa rin sila at aakyat sa langit; yaong mga hindi naniniwala sa Diyos o nakagagawa ng napakabigat na mga kasalanan ay daranas ng kaparusahan ng impiyerno.” Nag-iwan ng malalim na impresyon sa aking puso ang mga salitang iyon, na para bang ang mga ito ay nakaukit doon. Nahikayat ako ng mga ito na masigasig na manampalataya sa Diyos, at gaano man ako kaabala, hindi ako pumalya kailanman sa pagdalo sa misa. Magpatuloy magbasa “Pagbukas ng Pinto sa Aking Puso at Pagtanggap sa Pagbabalik ng Panginoon”
Ni Xiangwang, Malaysia
Mula pagkabata palagi akong kasama ng aking ina, isang diyakono sa iglesia at guro sa Sunday School, sa pananampalataya sa Panginoon. Madalas akong dumalo sa mga pagtitipon at magbasa ng Biblia kasama siya at, sa paglaki ko, nalipat ako sa grupo ng mga kabataan mula sa grupo ng mga bata. Magpatuloy magbasa “Matapos Maunawaan ang Katotohanan tungkol sa Kung Paano Makikilala ang Totoong Cristo at ang mga Huwad na Cristo, Hindi na Ako Nagbulag-bulagan Pa”
Ngayon ay parami nang parami ang mga tao na nagpapatotoo sa online na ang Panginoong Jesus ay bumalik. Kapag naririnig ang mga balitang ito, ang ilang mga kapatid ay naniniwala, batay sa talatang ito sa Biblia, “Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam na tao” na kapag ang Panginoon ay bumalik, walang makakakaalam. Ito ang dahilan kung bakit wala sa kanila ang naghahanap at nag-iimbestiga sa mga paghahabol mula sa mga taong nagpapalaganap ng balita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Ang pagkakaunawa ba na ito ay umaayon sa kalooban ng Panginoon? Minsan nang nagpropesiya ang Panginoong Jesus, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25: 6). Magpatuloy magbasa “Ano ang Ibig Sabihin ng Mga Salita ng Panginoon na “Nguni’t tungkol sa Araw at Oras na yaon Walang Makakaalam na Tao” Ibig Sabihin?”
Ni Meng’ai, Malaysia
Nang taon na namatay ang aking asawa, matindi ang aking kalungkutan, at higit pa riyan nagkaroon ako ng dagdag na pasanin na pagpapalaki sa aking mga anak. Ang kahirapan ay biglang sumapit sa buhay ko, nguni’t nasa akin na noon pa ang pagmamahal ng Panginoon at, sa tulong ng aking mga kapatid, nalampasan ko ang mahirap na panahong ito. Upang suklian ang pagmamahal ng Panginoon, nagpatuloy ako sa pagdodonasyon at paglilingkod sa iglesia, at nagagawa ko na ang gayon sa loob ng mahigit sa tatlumpung taon. Sa panahong ito, nararanasan ko ang pag-unlad ng iglesia at nakita ang maluwalhating kaganapan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Magpatuloy magbasa “Sino ang Hadlang Sa Daan Patungo sa Makalangit na Kaharian?”
Ni Xiaoyou, China
Sa kasalukuyan, ang mga lindol, taggutom, bagyo, at iba pang mga sakuna ay sunod-sunod na umusbong. Ang iyong pag-asa ba sa pagdating ng Panginoon ay kagyat na lumaki? Gayunpaman, hangga’t hindi nakikita ang Panginoon na dumarating kasama ng mga ulap, ay maaaring iniisip mo na hindi pa Siya bumalik. Sa totoo lang, ang Panginoon ay bumalik na, at Siya ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng katotohanan at gumawa ng bagong gawain. Marahil, sasabihin mo: “Ang Panginoon ay hindi nakita na dumarating kasama ng mga ulap, kaya paano mo nasasabi na Siya ay bumalik na?” Balikan natin saglit-naniniwala ba tayo sa Panginoong Jesus dahil nakita natin ang imahe ng Kanyang katawang-tao? Tiyak na hindi. Naniniwala tayo dahil nabasa natin ang mga salita ng Panginoong Jesus sa Biblia at naobserbahan na ang mga ito ang katotohanan. Ngayon, ang Panginoon ay bumalik upang bigkasin ang Kanyang mga salita, at sa pamamagitan lamang ng paghahanap at pagsisiyasat ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay maaari nating masalubong ang pagbabalik ng Tagapagligtas. Magpatuloy magbasa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagsisiyasat sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos Maaari Mong Masalubong ang Panginoon”