Tagalog Music Video | Nakagawa ng Bagong Gawain ang Diyos sa Buong Sansinukob

Ⅰ Kalawaka’y pupunuin ng Diyos ng Kanyang gawain, upang sa kapangyarihan Niya, lahat sa lupa’y mapailalim. Matutupad plano Niyang mundo’y pag-isahin, at tao’y ‘di na gagala sa mundo, sa tamang lugar agad tutungo.

  Sa ‘taas at sa ‘baba, gawain ng Diyos Kanyang nagawa; lahat nagugulat, sa bigla Niyang pagpapakita. Sa ‘taas at sa ‘baba, abot-tanaw nila, malawak kaysa noon. Ganito ang panahon ngayon.

Ⅱ Iniisip ng Diyos ang tao, nang sila’y makapanirahan sa lupaing payapa’t masaya, ‘di na sila malulungkot pa, plano Niya’y matutupad sa lupa. Doo’y umiiral sila, at sa mundo bansa Niya ay itatatag Niya, doon, l’walhati Niya’y ipinapakita.

  Sa ‘taas at sa ‘baba, gawain ng Diyos Kanyang nagawa; lahat nagugulat, sa bigla Niyang pagpapakita. Sa ‘taas at sa ‘baba, abot-tanaw nila, malawak kaysa noon. Ganito ang panahon ngayon.

  Mga lungsod sa langit itatama, lahat ay gagawin Niyang bago, pag-iisahin lahat ng nasa ‘taas at sa ‘baba, lahat ng nasa langit at lupa. Kanya ito (ito’y plano Niyang tuparin sa huling kapanahunan). ‘Wag hayaang makialam ang sinuman!

Ⅲ Hihikayatin ng Diyos ang tao na pasakop sa Kanya. Hahatula’t pagbubukurin Niya sila sa kani-kanilang pamilya. Sa gayo’y ‘di na Siya susuwayin, at sa Kanyang pagsasaayos sila’y susunod, walang kikilos ayon sa gusto niya.

  Sa ‘taas at sa ‘baba, gawain ng Diyos Kanyang nagawa; lahat nagugulat, sa bigla Niyang pagpapakita. Sa ‘taas at sa ‘baba, abot-tanaw nila, malawak kaysa noon. Ganito ang panahon ngayon. Hango sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.