Paglaya Mula sa Tanikala ng Pagkakagapos

Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ngayon ang panahon na Aking inaalam ang katapusan ng bawat tao, hindi ang yugto na sinimulan Kong hubugin ang tao. Sinusulat Ko sa Aking talaang libro, isa-isa, ang mga salita at kilos ng bawat tao, maging ang kanilang daan sa pagsunod sa Akin, ang kanilang likas na mga katangian, at ang kanilang huling paggawa. Sa ganitong paraan, walang uri ng tao ang makakatakas sa kamay Ko at lahat ay makakasama ng kanilang kauri ayon sa itinalaga Ko” (“Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang kalalabasan ng bawat isa ay pinagpapasyahan ayon sa kakanyahan na nanggagaling mula sa kanilang pag-uugali, at ito ay palaging pinagpapasyahan nang naaangkop. Walang sinuman ang maaaring magdala sa mga kasalanan ng iba: at higit pa, walang sinuman ang maaaring tumanggap ng kaparusahan na kahalili ng iba. Ito ay tiyak. Ang haling na haling na pangangalaga ng magulang para sa kanyang mga anak ay hindi nangangahulugan na maaari silang magsagawa ng matuwid na mga gawa na kahalili ng kanilang mga anak, ni ang masunuring pagmamahal ng isang bata sa kanyang mga magulang ay nangangahulugan na maaari silang magsagawa ng matuwid na mga gawa na kahalili ng kanilang mga magulang. Ito ang tunay na kahulugan sa likod ng mga salita, ‘Kung magkagayo’y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan: Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan.’ Walang sinuman ang maaaring dalhin ang kanilang mga anak na gumagawa ng kasamaan sa kapahingahan batay sa kanilang malalim na pag-ibig para sa kanilang mga anak, at ni maaaring dalhin ng sinuman ang kanyang asawang babae (o lalaki) sa kapahingahan batay sa kanilang sariling matuwid na pag-uugali. Ito ay isang administratibong patakaran; walang maaaring mga eksepsiyon para sa sinuman. Ang gumagawa ng pagkamakatuwiran ay gumagawa ng pagkamakatuwiran, at ang gumagawa ng kasamaan ay gumagawa ng kasamaan. Ang mga gumagawa ng pagkamakatuwiran ay makakayang makaligtas, at ang mga gumagawa ng kasamaan ay wawasakin. Ang banal ay banal; hindi sila marumi. Ang marumi ay marumi, at hindi sila nagtataglay ng kahit na anumang bahaging banal. Lahat ng masasamang tao ay wawasakin, at lahat ng taong matuwid ay makaliligtas, kahit na ang mga anak nang gumagawa ng masama ay gumawa ng matutuwid na gawa, at kahit na ang mga magulang ng isang matuwid na tao ay gumawa ng masasamang gawa. Walang relasyon sa pagitan ng isang nananampalatayang asawang lalaki at ng asawang babaeng di-sumasampalataya, at walang relasyon sa pagitan ng nananampalatayang mga anak at di-nananampalatayang magulang. Sila ay dalawang di-magkaayong uri. Bago pumasok sa kapahingahan, ang isa ay may pisikal na mga kamag-anak, ngunit sa sandaling ang sinuman ay nakapasok na sa kapahingahan, siya ay wala nang anumang pisikal na mga kamag-anak na masasabi” (“Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay pagsama-samahin ang tao ayon sa uri nila. Diyos ang nagsasabi ng kahihinatnan at patutunguhan ng bawat tao base sa ugali at kalikasan nila. Walang makapagbabago no’n at natutukoy ’yon ng matuwid na disposisyon Niya. Gusto ng Diyos na tratuhin natin ang iba ayon sa salita Niya’t katotohanan. Di natin pwedeng paboran ang sinuman base sa emosyon, kahit na ang mga mahal natin sa buhay. Salungat ’yon sa katotohana’t pagkakasala sa disposisyon ng Diyos.

Tatlong taon na ang nakararaan, patapos na ang pagpupulong no’n nang kausapin ako ng isang lider: “Ang daddy mo, lagi n’yang pinag-aaway ang mga kapatid. Ginugulo n’ya ang buhay-iglesia. Nagbahagi kami kasama s’ya, binalaan namin pero ayaw magsisi. Ini-report ng mga kapatid na ginawa n’ya na ’yon dati sa ibang lugar habang ginagawa ang tungkulin. Mangangalap kami ng patunay tungkol sa mga ginawa n’ya….” Kumabog ang puso ko nung narinig ko ang sinabi n’ya. Naisip ko, “Ganun ba talaga kasama ’yon?” Pero naisip ko rin na habang nasa pagtitipon, ginugulo nga ni dad ang buhay-iglesia at ayaw sa katotohanan. ’Di s’ya nagbabahagi sa salita ng Diyos at walang kinalaman sa katotohanan ang tinatalakay n’ya. Inaalis n’ya sa utak ng mga tao ang salita ng Diyos. Binanggit ko ’yon kay daddy pero ayaw talaga n’yang makinig sa’kin at kung anu-anong palusot ang sinabi n’ya. Sinabi ko sa pinuno ng iglesia ang tungkol sa sitwasyon. Pagkatapos noon ay nagbahagi siya kay daddy at ilang beses din siyang tinulungan. Ipinaliwanag n’ya kay dad ang kahihinatnan ng pag-uugali n’ya. Pero di tinanggap ni dad. Patuloy lang s’ya sa pakikipagtalo, ayaw talaga n’yang magsisi. Tingin ko mas lumala ang sitwasyon dahil ini-report na ito ng mga kapatid. Naalala ko ’yung dalawang tao sa iglesia na sinasabing masasama, tinanggal sila dahil ayaw nilang isagawa ang katotohanan at laging ginugulo ang iglesia. Kung katulad nilang dalawa si daddy, ’di ba dapat tanggalin din s’ya? Kung magkakatotoong tanggalin si daddy, tapos na ang daan ng pananampalataya n’ya. Maililigtas pa rin ba s’ya? Dahil do’n mas nag-panic ako, naramdaman ko na parang may pumipiga ng puso ko.

Kinagabihan nahirapan talaga akong matulog Iniisip ko ang sinabi ng mga tao kay daddy. Alam kong prinoprotektahan lang nila ang iglesia, pinahahalagahan ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid at naaayon ’yon sa kalooban ng Diyos. Alam ko ang ugali ni daddy kaya naisip ko kung dapat ko ba s’yang isumbong sa lider. Naisip ko kung ga’no n’ya ako minahal at inalagaan nung bata pa ako. Pag nag-aaway kami ng kapatid kong lalaki, ako lagi ang poprotektahan n’ya ako man ang mali o hindi. Kapag naman malamig sa school namin, magbibisekleta s’ya ng lampas animnapung milya para dalhan ako ng kumot. Nasa malayong lugar no’n si mommy, kaya madalas si daddy ang nagluluto at nag-aalaga sa’kin. Habang iniisip ko ’yon, hindi ko mapigilang maiyak. Naisip ko, “Ang daddy ko ang nagpalaki sa’kin. Kung ilalantad ko s’ya at nalaman n’ya ’yon, baka sabihin n’yang wala akong konsensya at walang puso ’di ba? Pa’no ko s’ya haharapin sa bahay pagkatapos ko s’yang ilantad?” Isinulat ko ang tungkol sa pag-uugali ni daddy, pero ’di ko maituloy. Naisip ko, “Pa’no kung isulat ko ang lahat ng alam ko tapos patalsikin s’ya? Hay, ’wag na nga. Hindi ko na isusulat.” Gusto kong makatulog nang mahimbing para makatakas sa realidad, pero hirap na hirap ako. Hindi ako mapalagay, nakokonsensya talaga ako. Hindi maganda ang pag-uugali n’ya ngayon at may kaunti akong alam, sa mga ginawa n’ya dati. Kung kinimkim ko lang ’yon, parang tinago ko ang katotohanan ’di ba? Gulung-gulo talaga ang kalooban ko, kaya naisip kong magdasal sa Diyos. Dasal ko, “Diyos ko, alam ko po ang ilan sa mga kasamaan ni daddy, at kailangan kong panindigan ang gawain ng iglesia at maging totoo sa kung anong alam ko, pero ayoko pong gawin yon dahil patatalsikin s’ya. Diyos ko, gabayan Mo ako para maisagawa ko ang katotohanan at mapanindigan ang gawain ng iglesia.” Napayapa ako pagkatapos kong magdasal. Tapos binasa ko ang salita ng Diyos: “Nakapagsabi na ang lahat na isasaalang-alang nila ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia. Sino ba talaga ang nagsaalang-alang na sa pasanin ng Diyos? Itanong sa sarili: Ikaw ba’y isa na nagpakita na ng pagsasaalang-alang para sa pasanin ng Diyos? Makakapagsagawa ka ba ng pagkamakatuwiran para sa Diyos? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapapahintulutan mo ba ang Aking kalooban na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso kapag dumarating ang kritikal na sandali? Ikaw ba’y isa na nagsasakatuparan ng Aking kalooban? Tanungin mo ang sarili at mag-isip tungkol dito nang madalas” (“Kabanata 13” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Lahat sila ay nabubuhay sa damdamin—at sa gayon ay hindi iniiwasan ng Diyos ang isa man sa kanila, at inilalantad ang mga lihim na nakatago sa mga puso ng buong sangkatauhan. Bakit napakahirap para sa mga tao na ihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa damdamin? Mas mataas ba ito kaysa sa mga pamantayan ng konsiyensya? Maisasakatuparan ba ng konsiyensya ang kalooban ng Diyos? Makakatulong ba sa mga tao ang damdamin sa pagdaan sa kagipitan? Sa mga mata ng Diyos, ang damdamin ay Kanyang kaaway—hindi ba ito malinaw na nakasaad sa mga salita ng Diyos?” (“Kabanata 28” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Wala akong sagot sa mga tanong na ito sa salita ng Diyos. Alam kong ’di hinangad ni dad ang katotohanan, ginulo n’ya ang pagtanggap ng iba sa salita ng Diyos. Wala s’yang pinakinggang pagbabahagi, hinusgahan ang mga tao, at naghasik s’ya ng alitan. Pero dahil sa emosyon ko, nalimutan kong nagulo ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Ayoko lang na magtapat doon sa pinuno para protektahan si daddy. Hindi ko isinagawa ang katotohanan at hindi isinaalang-alang ang kalooban ng Diyos. Naisip ko ‘yung dalawang taong tinanggal no’n ng iglesia. Ayaw nilang isagawa ang katotohanan at ginulo ang iglesia kaya nagalit ako, inilantad ko ang kasamaan nila. Kaya ba’t di ko magawang maging matapat sa pagsusulat ng ugali ni daddy? Nakita ko na hindi ako tapat na tao at hindi patas. Hindi ko isinagawa ang katotohanan o pinanindigan ang iglesia. Sa halip, pinagtakpan ko ang daddy ko dahil sa emosyon ko, kinalaban ko ang katotohanan. ’Di ba’t pagpanig ’yon kay Satanas at pagkalaban sa Diyos? Natauhan ako, kaya nagdasal ako sa Diyos. “Ayoko nang magpadala sa ’king emosyon. Gusto kong maging tapat pagdating kay daddy.”

Pagkadasal ko, inalala ko ang ilan sa mga kasamaan ni daddy at isa-isa kong inilista: Habang naglilingkod bilang gospel deacon, naging mapanghusga s’ya kay Brother Zhang. S’ya ay hinusgahan at minaliit ni daddy sa harap ng mga kapatid. Naapektuhan si Brother Zhang at naging negatibo ang lagay. Pinakitunguhan ng lider si dad pero ayaw n’yang makinig; Nung sinabi ng mga kapatid ang isyu sa kanya, hindi n’ya tinanggap ang mga ’yon. Lagi s’yang nakatuon sa kamalian ng iba, lagi n’yang sinasabi, “Ilang taon na akong nananalig. Alam ko na ang lahat ng ’yan.” Nung nakita n’yang aktibo ako sa tungkulin ko, hinimok n’ya akong mag-asam ng makamundong mga bagay, at puro negatibo ang sinasabi n’ya para mawalan ako ng gana sa tungkulin ko; Nung nasangkot s’ya sa isang car accident, pinuntahan s’ya ni Brother Lin at nagbahagi sa katotohanan, at kailangan daw n’yang magnilay-nilay, pero hindi n’ya ginawa. Iba ang sinabi n’ya sa tao, nagkalat ng tsismis si daddy. Pinalabas n’yang kinutya s’ya ni Brother Lin. ’Yun ang dahilan kaya hinusgahan ng mga kapatid si Brother Lin…. Natigilan ako at nagalit habang iniisip ang lahat ng ’yon. Naisip ko, “Si Daddy ba talaga ’to? Hindi ba masamang tao ’to?” Lagi kong inakalang sa mga taong nananalig s’ya at nagpapalaganap ng ebanghelyo ay kaya niyang magtiis at maghirap. Naantig ako sa kung ano s’ya sa panlabas, akala ko totoong nananalig si dad. Kaya hindi ko binigyang-pansin ang pag-uugali n’ya. Masyado akong naging hangal at bulag. Ngayon, labis ko nang pinagsisisihan ang pagpapadala sa emosyon at pagprotekta sa kanya. Tapos nabasa ko sa salita ng Diyos: “Yaong mga nasa iglesia na nagbubulalas ng kanilang makamandag, may malisya na pananalita, yaong mga nasa kalagitnaan ng mga kapatiran na nagkakalat ng mga usap-usapan, pumupukaw ng kawalan ng pagkakaisa at bumubuo ng mga grupo ay dapat naitiwalag mula sa iglesia. Nguni’t dahil ngayon ay isang naiibang panahon ng gawain ng Diyos, ang mga taong ito ay hinihigpitan, sapagka’t sila ay tiyak na nakatalaga na para sa pag-aalis. Yaong mga nagawang tiwali ni Satanas ay lahat mayroong tiwaling disposisyon. Gayunpaman ang ibang mga tao ay mayroong mga tiwaling disposisyon lamang mayroong mga iba na hindi kagaya nito, na hindi lamang sila mayroong tiwali at mala-satanas na disposisyon, kundi ang kanilang mga kalikasan ay sukdulang malisyoso. Ang lahat ng ginagawa at sinasabi ng ganitong uri ng mga tao ay hindi lamang nagpapahayag ng kanilang tiwaling mala-satanas na mga disposisyon, kundi sila mismo ang totoong diyablong Satanas. Ang tangi nilang ginagawa ay gambalain at guluhin ang gawain ng Diyos, guluhin ang pagpasok sa buhay ng mga kapatiran, at sirain ang normal na buhay ng iglesia. Ang mga lobong ito na nakadamit-tupa ay kailangang mapalayas sa malao’t madali, at hindi dapat kaawaan at tanggapin ang mga aliping ito ni Satanas. Sa paggawa lamang nito makapaninindigan ang isa sa panig ng Diyos at yaong hindi makagagawa ay nakikipagsabwatan kay Satanas”. (“Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Taliwas ang pag-uugali ni dad sa salita ng Diyos. Hindi lang ordinaryong tiwaling disposisyon ang pinakita n’ya, kundi isang malisyosong kalikasan. Masigasig s’ya sa panlabas at kayang magpakahirap para sa tungkulin n’ya, at magpalaganap ng ebanghelyo kahit na inuusig, pero ’di n’ya kayang tanggapin ang katotohanan. Inilantad ng mga kilos n’ya ang tuso at malisyoso n’yang kalikasan. Isa siyang masamang tao na panig kay Satanas, kaya dapat s’yang itiwalag. Kahit anak pa n’ya ako, maling magpadala ako sa emosyon. Kailangan kong tumayo sa panig ng Diyos, at itakwil si Satanas. Naisip ko ang mga kapatid sa grupong pinamumunuan ko na walang alam tungkol kay dad. Dapat akong magbahagi sa kanila at ilantad ko si dad para ’di na sila maloko ng dad ko. Pero labis akong nag-alala: “Nanalig ang ilan sa kanila dahil sa daddy ko at maganda ang relasyon nila kay dad. Kung ilalantad ko s’ya, sasabihin nilang wala akong konsensya at puso hindi ba? At kapag itiniwalag s’ya at nawalan ng pagkakataong maligtas, siguradong masakit ’yon para sa kanya….” Labis ko ’yung ikinalungkot at nawalan na ako ng ganang magbahagi. Hindi ako nakatulog sa kaiisip nung gabing ’yon, naisip ko kung hindi ko ilalantad ang kasamaan ni daddy at malilinlang n’ya ang mga kapatid at papanig sa kanya, siguradong magiging masama rin sila. Kung hahayaan ko lang sila na mailigaw at ’di ako magbabahagi, pinapahamak ko sila ’di ba? Dahil do’n sinisi ko ang sarili ko, kaya nagdasal ako sa Diyos: “Diyos ko, ang dami ko pong inaalala ngayon. Palakasin Niyo ako at ang pananampalataya ko, gabayan N’yo akong maisagawa ang katotohanan at mailantad ang masamang taong ito.”

Tapos binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa mga salita ng Diyos, anong prinsipyo ang binabanggit tungkol sa kung paano dapat pakitunguhan ng mga tao ang isa’t isa? Mahalin ang minamahal ng Diyos, at kamuhian ang kinamumuhian ng Diyos. Iyon ay, ang mga taong minamahal ng Diyos, na tunay na naghahabol ng katotohanan at gumagawa ng kalooban ng Diyos, ang mismong mga taong dapat mong mahalin. Ang mga hindi gumagawa ng kalooban ng Diyos, yaong mga namumuhi sa Diyos, yaong mga sumusuway sa Kanya, at yaong mga kinasusuklaman Niya ay mga taong dapat din nating kasuklaman at tanggihan. Ito ang hinihingi ng salita ng Diyos. Noong Kapanahunan ng Biyaya, sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Sino ang aking ina? at sino-sino ang aking mga kapatid? … Sapagka’t sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina.’ Umiiral na ang kasabihang ito noon pang Kapanahunan ng Biyaya, at lalo pang mas angkop ang mga salita ng Diyos ngayon: ‘Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos.’ Diretsahan ang mga salitang ito, ngunit madalas na hindi napapahalagahan ng mga tao ang tunay na kahulugan ng mga ito. Kung isinumpa ng Diyos ang isang tao, ngunit sa panlabas ay tila mabuti naman siya, o kung isa siyang magulang o kamag-anak mo, maaaring hindi mo magawang kamuhian ang taong iyon, at maaari pang nagkakapalagayan kayo ng loob at malapit kayo sa isa’t isa. Kapag naririnig mo ang ganoong mga salita mula sa Diyos, nababalisa ka at hindi mo kayang patigasin ang puso mo sa taong iyon o iwanan siya. Ito ay dahil mayroong kinaugaliang pagkaunawa rito na gumagapos sa iyo. Iniisip mo na kung gagawin mo ito, magagalit sa iyo ang Langit, parurusahan ka ng Langit, at isasantabi ka pa ng lipunan at iisipin ng mga tao na nagkasala ka. Bukod pa roon, ang mas pragmatiko pang problema ay na dadalhin iyon ng iyong konsensya. Nagmumula ang konsensyang ito sa itinuro sa iyo ng mga magulang mo mula pagkabata, o mula sa impluwensya at pagkahawa sa kultura ng lipunan, na alinman dito ay nagtanim ng ganoong ugat at paraan ng pag-iisip sa kalooban mo kung kaya hindi mo maisagawa ang salita ng Diyos at magawang mahalin kung ano ang minamahal Niya at kamuhian kung ano ang kinamumuhian Niya. Subalit, sa kaloob-looban mo, alam mong dapat mo silang kamuhian at tanggihan, dahil nagmula sa Diyos ang buhay mo, at hindi ibinigay ng mga magulang mo. Dapat sambahin ng tao ang Diyos at ibalik ang sarili niya sa Kanya. Bagama’t kapwa mo sinasabi at iniisip iyon, sadyang hindi ka makapagbago at sadyang hindi mo iyon maisagawa. Alam mo ba kung ano ang nangyayari dito? Iyon ay na naigapos ka na ng mga bagay na ito, nang kapwa mahigpit at malalim. Ginagamit ni Satanas ang mga bagay na ito upang igapos ang iyong mga saloobin, ang iyong isip, at ang iyong puso upang hindi mo magawang tanggapin ang mga salita ng Diyos. Ganap ka nang napuspos ng ganoong mga bagay, hanggang sa puntong wala ka nang puwang para sa mga salita ng Diyos. Higit pa roon, kung susubukan mong isagawa ang Kanyang mga salita, magkakabisa ang mga bagay na iyon sa loob mo at gagawin kang di-umaayon sa Kanyang mga salita at mga hinihingi, sa gayon ay gagawin kang walang kakayahang pakawalan ang iyong sarili mula sa mga buhol na ito at walang kakayahang makawala sa pagkakagapos na ito” (“Nakikilala Mo ang Iyong Sarili sa Pamamagitan Lamang ng Pagkilala sa Iyong Mga Lisyang Pananaw” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa tulong nito, naintindihan ko na ang hinihingi sa ’ting prinsipyo ng Diyos ay mahalin ang minamahal Niya at kamuhian ang kinamumuhian Niya. Yaong nagmamahal sa katotohanan at kayang gawin ang kalooban ng Diyos ang dapat tratuhin nang may pagmamahal, habang yaong galit sa katotohanan at tumatanggi sa Diyos ang dapat kamuhian. Ito lang ang gawaing ayon sa kalooban ng Diyos. Pero lagi akong napipigil ng emosyon ko pagdating kay dad. Pinagtakpan ko ang aking ama. Hindi ko nagawang masuklam sa ayaw ng Diyos. Dahil ’yon sa pagkaunawa ni Satanas na: “Mas matimbang ang dugo kaysa tubig” at “Di patay ang tao; pa’no s’ya magiging malaya mula sa emosyon?” ’Di ko makilala ang mabuti. Naisip ko na hindi makatwiran kung ilalantad ko ang kasamaan ni daddy. Natakot akong kondenahin ng ibang tao. Para lang maprotektahan ang kapamilya, ’di ko pinanindigan ang katotohanan, ’di ko inisip ang gawain ng Diyos at ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Naging masama ako at ’di ko pinahalagahan ang aking kapwa. Pinigilan ako ng luma’t masasamang pagkaunawa na isagawa ang katotohanan, pumanig ako kay Satanas at tinanggihan ang Diyos, kahit na hindi ko binalak yon. Sa katunayan, ’di kailanman sinabi ng Diyos na dapat tayong maging maingat sa pakikitungo sa mga demonyo, ’di rin Niya sinabing imoral ang pagtanggi sa mga mahal sa buhay na kampon ni Satanas. Sa Kapanahunan ng Kautusan, namatay sa kalamidad ang mga anak ni Job na ’di nananalig sa Diyos, pero ’di s’ya nagreklamo sa Diyos tungkol sa mga anak niya nang dahil sa emosyon. Sa halip, pinuri n’ya ang Diyos. Si Pedro, sa Kapanahunan ng Biyaya ay hinadlangan ng mga magulang n’ya na manalig, kaya naman iniwan n’ya ang mga magulang n’ya, iniwan n’ya lahat para sa Diyos, kaya nakamit n’ya ang papuri ng Diyos. Dahil sa mga karanasan nina Job at Pedro, naintindihan ko ang hinihingi ng Diyos na mahalin ang mahal Niya at kamuhian ang kinamumuhian Niya.

Tapos nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kung hindi ang mga kumakalabang hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila ang mga tao na suwail sa Diyos? Hindi ba sila ang mga tao na nagsasabing naniniwala ngunit kulang sa katotohanan? Hindi ba sila ang mga tao na naghahangad lamang ng mga pagpapala ngunit hindi magagawang sumaksi sa Diyos? Nakikihalubilo ka pa rin sa mga demonyong iyon ngayon at hindi ka nakokonsiyensya at nagmamahal ka sa kanila, ngunit hindi ka ba nagpapaabot ng magagandang intensyon kay Satanas? Hindi ba ito itinuturing na pakikipag-ugnay sa mga demonyo? Kung ang mga tao ay hindi pa rin nakikilala ang kaibahan ng mabuti at masama ngayon, at patuloy na pikit-matang nagmamahal at naaawa nang walang anumang intensyong hangarin ang kalooban ng Diyos o angkining sarili nila sa anumang paraan ang mga intensyon ng Diyos, ang katapusan nilang lahat ay magiging mas lalong kahabag-habag. … Kung ikaw ay kaayon sa mga iyon na kinamuhian Ko at hindi sinasang-ayunan, at may pagmamahal o personal na damdamin ka pa rin sa kanila, hindi ba ikaw ay suwail? Hindi mo ba sinasadyang nilalabanan ang Diyos? Ang isang tao ba na tulad nito ay nagtataglay ng katotohanan? Kung natitiis ng konsiyensya ng mga ang mga kaaway, minamahal ang mga demonyo, at kinaaawaan si Satanas, hindi kaya nila sinasadyang inaabala ang gawain ng Diyos?” (“Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pagkabasa ko nito, nabalisa ako nang labis at nakonsensya. Alam kong ayaw ni daddy sa katotohanan, ’di s’ya tumigil sa panggugulo sa iglesia, at masama ang kanyang kalikasan, pero nanatali pa rin akong tapat at mapagmahal sa kanya, prinotektahan ko pa nga s’ya at pinagtakpan. Hindi ba’t ’yon ang sinabi ng Diyos na “pagpapaabot ng magandang intensyon kay Satanas” at “pakikipag-ugnayan sa mga demonyo”? ’Di ba’t sinasalungat ko ang Diyos at ginugulo ang gawain ng iglesia? Sa tahanan ng Diyos, katotohanan at pagkamakatuwiran ang namamayani. Ang lahat ng puwersa ni Satanas, lahat ng masasamang tao at anticristo, ay hindi maaaring manatili. Dapat silang alisin ng Diyos at tanggalin sa iglesia. Natutukoy ito ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Pero pinagtakpan ko ang isang masamang tao para manatili s’ya sa tahanan ng Diyos. Kinunsinti ko ang masamang tao na guluhin ang buhay-iglesia di ba? Tinulungan ko ang isang kaaway na kalabanin ang Diyos? Sa paggawa no’n ay parurusahan ako ng Diyos kasama ng masamang tao. Natakot ako sa napagtanto kong ito. Walang kinukunsinting pagkakasala ang disposisyon ng Diyos at mapanganib ang pagtatakip sa masamang tao dala ng personal na damdamin! Ayoko nang kumilos base sa damdamin ko. Kahit ama ko pa s’ya, dapat kong isagawa ang katotohanan, mahalin ang mahal ng Diyos, at panindigan ang interes Niya.

Tapos ay nagpunta ako sa pagtitipon at inilantad ko ang katotohanan tungkol sa kasamaan ni daddy. Yung mga kapatid na iniligaw ng daddy ko ay napagtanto na ang diwa ng aking ama. Kalaunan naglabas ng notice ng pagtitiwalag ang iglesia. Binasa ko kay dad ang notice, at tinalakay ang kasamaan n’ya. Nagulat ako nung sinabi n’ya na, “Matagal ko nang alam na ititiwalag ako. Nanalig ako sa Diyos para lang sa biyaya. Kung hindi, tumigil na sana ako sa pananalig.” Nung nakita ko na walang intensyong magsisi ang daddy ko, nalaman ko sa puso ko na tuluyan nang nalantad ang masama n’yang kalikasan. Pagkatiwalag kay daddy wala nang nanggulo pa sa iglesia. Sa mga pagtitipon, di na nagagambala ang mga kapatid pag nagbabahagi. Naglingkod sila gaya ng dapat, at nagkabunga na rin ang buhay-iglesia. Nakita ko na pagkamakatuwiran ang namamayani sa tahanan ng Diyos, at ’pag isinagawa natin ang katotohanan, masasaksihan natin ang pagpapala ng Diyos. Tungkol naman kay daddy, pinalaya ko ang sarili ko sa personal kong damdamin, isinagawa ko na ang katotohanan at sinuportahan na ang iglesia. Nangyari ang lahat ng ito sa tulong ng paghatol ng salita ng Diyos.


Rekomendasyon:

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.