Patotoo ng Isang Kristiyano | Sa Gitna ng Pagsubok ng Kamatayan

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Diyos ay naparito para gumawa sa lupa upang iligtas ang tiwaling sangkatauhan; walang kasinungalingan dito. Kung mayroon, tiyak na hindi sana Siya naparito upang gawin ang Kanyang gawain nang personal. Dati-rati, ang Kanyang paraan ng pagliligtas ay may kasamang pagpapakita ng sukdulang pag-ibig at habag, kaya ibinigay Niya ang lahat Niya kay Satanas kapalit ng buong sangkatauhan. Ang kasalukuyan ay hindi kagaya ng nakaraan: Ang kaligtasang ipinagkaloob sa inyo ngayon ay nangyayari sa panahon ng mga huling araw, kung kailan ibinubukod ang bawat isa ayon sa uri; ang paraan ng inyong kaligtasan ay hindi pag-ibig o habag, kundi pagkastigo at paghatol, upang ang tao ay maaaring mas lubusang maligtas. Sa gayon, ang natatanggap lamang ninyo ay pagkastigo, paghatol, at walang-awang paghampas, ngunit dapat ninyong malaman ito: Sa walang-pusong paghampas na ito wala ni kakatiting na kaparusahan. Gaano man kabagsik ang Aking mga salita, ang sumasapit sa inyo ay iilang salita lamang na maaaring magmukhang lubos na walang puso sa inyo, at gaano man katindi ang Aking galit, ang dumarating sa inyo ay mga salita pa rin ng pagtuturo, at hindi Ko layon na saktan kayo o patayin kayo. Hindi ba totoo ang lahat ng ito? Dapat ninyong malaman na sa panahong ito, matuwid na paghatol man o walang-pusong pagpipino at pagkastigo, lahat ay para sa kapakanan ng kaligtasan. Ibinubukod man ngayon ang bawat isa ayon sa uri o inilalantad ang mga kategorya ng tao, ang layunin ng lahat ng salita at gawain ng Diyos ay upang iligtas yaong mga tunay na nagmamahal sa Diyos. Ang matuwid na paghatol ay pinasasapit upang dalisayin ang tao, at ang walang-pusong pagpipino ay ginagawa upang linisin sila; ang masasakit na salita o pagkastigo ay kapwa ginagawa upang magpadalisay at alang-alang sa kaligtasan” (“Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Inaantig talaga ako ng mga salita ng Diyos at ipinapaisip sa akin ang hindi ko malilimutang karanasan mahigit dalawampung taon na ang nakakaraan sa panahon ng pagsubok ng kamatayan. Tunay kong napahalagahan na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay ang Kanyang pagmamahal at pagliligtas sa tao. Gaano man kalupit o nakakaligalig ang mga salita ng Diyos, para lang ’yon maglinis at magpabago sa atin.

Pebrero 1992 noon. Matapos ang pagsubok ng mga taga-serbisyo, iniangat kami ng Diyos upang maging bayan ng Kapanahunan ng Kaharian at ibinigay Niya sa atin ang Kanyang mga hinihiling: magtuon sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at isagawa ’yon, maghanap para makilala ang Diyos, magpatotoo sa Diyos sa pamamagitan ng mga pagsubok at kamtin ang pamantayan ng bayan ng kaharian sa lalong madaling panahon. Noon, madalas banggitin ng mga salita ng Diyos “mga tao sa Aking sambahayan” at “ang mga tao ng Aking kaharian.” Laging pinaparamdam sa akin ng mga salitang ito na nakikita kami ng Diyos bilang sarili Niyang pamilya. Mayroon akong diwa ng pagmamahal at inspirasyon, kaya sinimulan kong sundin ang pamatayan na maging isa sa bayan ng Diyos. Idinarasal at binabasa ko ang mga salita ng Diyos at pinagninilayan ang kalooban Niya mula sa Kanyang mga salita. Ginawa ko ang tungkulin ko sa abot ng makakaya ko at nagpasyang sumunod sa Diyos sa buong buhay ko. Dalawampu’t dalawang taong gulang ako noon. Karamihan sa mga ka-edad ko noon ay ikinasal na at may mga anak na. Patuloy na sinusubukan ng pamilya kong hindi mananampalataya na ihanap ako ng asawa, pero tinanggihan ko silang lahat.

Gustung-gusto kong kantahin noon ang “Awit ng Kaharian,” lalo na ang parteng ito: “Sa tunog ng pagpupugay ng kaharian, bumabagsak ang kaharian ni Satanas, nawasak sa dagundong ng awit ng kaharian, hindi na babangong muli kailanman! Sino sa lupa ang nangangahas na bumangon at lumaban? Habang bumababa ang Diyos sa lupa, Hatid Niya’y pagkasunog, hatig Niya’y poot, hatid Niya’y lahat ng klaseng kapahamakan. Ang mga kaharian sa lupa ay kaharian na ngayon ng Diyos!” (Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Sa tuwing kinakanta ko ang himnong ito, iniisip ko kung paano lilitaw sa lupa ang kaharian ng Diyos, at kapag tapos na ang gawain ng Diyos, darating ang malalaking sakuna at lahat ng sumasalungat sa Diyos ay wawasakin. Subalit, kaming mga sumusunod sa Diyos, ay makakaligtas at aakayin kami ng Diyos patungo sa kaharian para magtamasa ng walang hanggang mga pagpapala. Labis na kamangha-manghang isipin ang lahat ng ito. Noon, inakala ko na ang pagtanggap sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos at pag-aangat upang sumama sa bayan ng kaharian ay nangangahulugan na ang pagpasok sa kaharian ng Diyos sa buhay na ito ay pinagpasyahan na at wala nang makakakuha no’n sa akin. Labis akong nasabik. Sumigla ang aming mga espiritu at napuno kami ng kagalakan. Walang pagod kaming naggugol ng sarili para sa Diyos.

Pero matuwid at banal ang Diyos, nakikita Niya ang ating mga puso, at alam Niya ang mga pagkaunawa, mga haka-haka, at mga ganid na pagnanasang kinikimkim natin. Nang puno na kami ng pag-asa na makakapasok kami sa kaharian at magsasaya sa mga pagpapala nito, sa huli ng Abril, bumigkas ang Diyos ng mga bagong salita, ihinahatid kaming lahat patungo sa pagsubok ng kamatayan.

Isang araw, nagdaos ng isang pagtitipon ang isang lider ng iglesia at binasa ang mga salita ng Diyos: “Habang ang mga tao ay nananaginip, Ako ay naglalakbay sa mga bansa sa mundo na nagwiwisik ng ‘amoy ng kamatayan’ sa Aking mga kamay sa gitna ng tao. Lahat ng tao ay agad na tinatalikuran ang kasiglahan at pumapasok sa susunod na baitang ng pantaong buhay. Sa kalagitnaan ng sangkatauhan, hindi na makikita ang anumang nabubuhay na mga bagay, nakakalat kung saan-saan ang mga bangkay, ang mga bagay na puno ng kasiglahan ay agad na nawawala nang walang bakas, at ang nakasusulasok na amoy ng mga bangkay ay pumupuno sa lupain. … Ngayon, dito, ang mga bangkay ng lahat ng tao ay nangakahigang napakagulo. Nang hindi nalalaman ng mga tao, pinawawalan Ko ang salot sa Aking mga kamay, at ang mga katawan ng tao ay naaagnas, walang iniiwang bakas ng laman mula ulo hanggang paa, at lumalayo Ako mula sa tao. Hindi na Ako kailanman makikipagtipon sa tao, hindi na Ako kailanman lalapit sa gitna ng tao, sapagka’t ang huling yugto ng Aking buong pamamahala ay dumating na sa katapusan, at hindi Ko na muling lilikhain ang sangkatauhan, hindi na pakikinggang muli ang tao. Matapos ang pagbasa sa mga salita mula sa Aking bibig, ang mga tao ay nawawalan lahat ng pag-asa, sapagka’t ayaw nilang mamatay—subali’t sinong hindi ‘namamatay’ alang-alang sa ‘pagkabuhay’? Kapag sinasabi Ko sa mga tao na kulang Ako ng mahika upang buhayin sila, bumubulalas sila ng iyak sa sakit; tunay nga, bagaman Ako ang Lumikha, mayroon lamang Akong kapangyarihan upang patayin ang mga tao, at walang kakayahan upang buhayin sila. Sa ganito, humihingi Ako ng paumanhin sa tao. Sa gayon, sinabi Ko sa tao nang pauna na ‘may utang Ako sa kanya na hindi-mababayaran’—gayunman inisip niya na Ako ay nagiging magalang. Ngayon, sa pagdating ng mga katunayan, sinasabi Ko pa rin ito. Hindi Ko ipagkakanulo ang mga katunayan kapag Ako ay nagsalita. Sa kanilang mga pagkaintindi, ang mga tao ay naniniwala na maraming paraan ng Aking pagsasalita, kaya’t lagi nilang mahigpit-na-hinahawakan ang mga salitang ibinibigay Ko sa kanila habang umaasa para sa iba pa. Hindi ba’t ang mga ito ang mga maling pangganyak ng tao? Sa ilalim ng mga kalagayang ito na Ako ay nangangahas nang ‘buong-tapang’ na sabihing hindi Ako totoong minamahal ng tao. Hindi Ko tatalikuran ang konsensya at pipilipitin ang mga katunayan, sapagka’t hindi Ko dadalhin ang mga tao sa kanilang perpektong lupain; sa katapusan, kapag ang Aking gawain ay natatapos, aakayin Ko sila sa lupain ng kamatayan” (“Kabanata 40” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nang nabasa ko ang “Bagaman Ako ang Lumikha, mayroon lamang Akong kapangyarihan upang patayin ang mga tao, at walang kakayahan upang buhayin sila,” labis akong naguluhan. “Bakit sasabihin ng Diyos ang gano’ng bagay?” naisip ko. “Nasa mga kamay ng Diyos ang buhay at kamatayan ng tao. Bakit sinasabing kulang Siya sa ‘kakayahan’ para mabuhay ang tao? Talaga bang mamamatay kaming mga mananampalataya sa huli? Kami ang bayan ng kaharian, kaya paano kami mamamatay? Hindi ’yon maaari! Pero hindi makikipagbiruan sa amin ang Diyos. Malinaw na isinasaad ng Kanyang mga salita, ‘Kapag ang Aking gawain ay natatapos, aakayin Ko sila sa lupain ng kamatayan.’ Hindi ba ’yon nangangahulugan na hahantong kami sa pagharap sa kamatayan? Tungkol saan ang lahat ng ito?” Hindi ko lang maintindihan kung bakit sasabihin ng Diyos ang gano’ng bagay, Mukhang nalilito rin yung ibang mga kapatid sa paligid ko. Pagkatapos ay nagbigay sa amin ng fellowship ang lider ng iglesia: “Labis na ginawang tiwali ni Satanas ang ating laman. Puno ’yon ng mga satanikong disposisyon. Mayabang kami, mapanlinlang, makasarili, at sakim, at nagsisinungaling at nangdaraya pa rin kami sa lahat ng oras. Maaaring naniniwala kami sa Diyos at gumugugol ng sarili para sa Kanya, pero hindi namin maisagawa ang Kanyang mga salita. Hinahatulan at sinisisi pa rin namin Siya kapag dumarating ang mga pagsubok at pagdurusa. Ipinapakita nito na kay Satanas ang aming laman at lumalaban sa Diyos. Matuwid, banal, at di-naaagrabyado ang disposisyon ng Diyos. Paano Niya hahayaan na pumasok sa kaharian Niya ang mga taong pag-aari ni Satanas? Kaya kapag natapos ang Kanyang gawain, darating ang malalaking sakuna, at kapag tayong mga mananampalataya ay hindi pa nagkakamit ng katotohanan, kung hindi pa nababago ang ating mga buhay-disposisyon, kung gayon mamamatay pa rin tayo.”

Nang marinig ang fellowship na ito mula sa lider, binaha ako ng mga emosyon at hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko. Pakiramdam ko bigla akong pinagsakluban ng langit at lupa—laking gulat ko. Napuno ang isip ko ng pagkalito at sama ng loob, at naisip ko, “Bilang ang huling henerasyon, hindi ba kami ang pinakapinagpala? Inangat kami ng Diyos upang maging ang bayan ng Kapanahunan ng Kaharian. Kami ang mga haligi ng kaharian ng Diyos. Paano kami mamamatay sa katapusan? Isinuko ko ang kabataan ko at ang pag-asang makapag-asawa para sumunod sa Diyos. Nagsikap ako, gumugol ng sarili para sa Diyos, at naghirap nang husto. Inaresto na ako at inusig ng CCP, kinutya at siniraang-puri ng mga ‘di mananampalataya. Bakit dapat pa rin akong mamatay sa pinakakatapusan? Nauwi ba sa wala ang lahat ng paghihirap ko?” Napakasakit na isipin ito. Pakiramdam ko may malaking nakadagan sa akin at halos hindi ako makahinga. Napansin kong lahat ng nasa paligid ko ay pareho lang ng nararamdaman. May ilang tahimik na umiiyak, habang ang tinakpan ng iba ang kanilang mukha ng kamay nila at humagulhol. Matapos ang pagtitipon, sinabi ng mama ko nang may buntong-hininga, “Mahigit animnapung taong gulang na ako, at tinanggap ko na ang kamatayan. Pero napakabata mo pa, nagsisimula pa lang ang buhay mo….” Mas lalo akong nabalisa nang marinig kong sabihin niya ‘yon at hindi ko na napigil ang mga luha ko. Hindi ako mapalagay tuwing gabi, hindi ako makatulog. Hindi ko talaga maintindihan. Masigasig akong naggugol ng sarili para sa Diyos at binitawan ko ang lahat para sumunod sa Kanya, kaya bakit kailangan kong mamatay sa malalaking sakuna? Talagang hindi ko ’yon matanggap, kaya nagsimula akong magbuklat ng mga salita ng Diyos umaasang makakita ng isang tanda, para makita kung pwedeng mabago ang aming mga katapusan. Pero hindi ko nakita yung mga gusto kong kasagutan. Tulala, naisip ko, “Mukhang talagang kinondena kami ng Diyos at sigurado na ang mga kamatayan namin. Walang makakapagbago ro’n. ’Yon ang ipinasiya ng Langit.”

Sa mga sumunod na ilang araw, talagang nalungkot ako. Halos hindi ako marinig kapag nagsasalita at ayokong gumawa ng kahit ano. Noon, lagi akong nagtatrabaho nang mahahabang oras sa pagta-transcribe ng mga salita ng Diyos hanggang sa sumakit ang kamay ko, pero hindi ’yon nakaabala sa akin. Gusto ko lang na mabasa ng mga kapatid ang mga bagong pagbigkas ng Diyos sa lalong madaling panahon, pero wala na ngayon ang diwang ’yon ng responsibilidad. Biglang nanlamig ang nag-aalab kong kasiglahan. Kapag nag-transcribe ako ngayon ng mga salita ng Diyos, iisipin ko, “Bata pa ako at hindi ko pa natatamasa ang mga pagpapala ng kaharian ng langit. Ayoko talagang mamatay nang ganito!” Nagsimula akong umiyak habang iniisip ko ang lahat ng ’yon. Mabigat ang puso ko nung panahong ’yon, at masakit na para bang isang kutsilyo ang ibinaon do’n. Nawalan na ng lasa ang mundo para sa’kin. Pakiramdam ko parang darating na ang malalaking sakuna anumang minuto, at hindi ko alam kung kailan ako mamamatay. Pakiramdam ko nagwakas na ang mundo.

Binasa ko ang mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng ilang kaalaman sa sarili, tapos dahan-dahan, sa paglipas ng panahon, naging malaya ako. Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Ngayon, sa panahon ng pagsulong tungo sa pasukan ng kaharian, lahat ng tao ay nagsisimulang tumuloy sa unahan—ngunit kapag dumating sila sa harap ng pasukan, Aking isinasara ang pasukan, sinasarhan Ko ang mga tao sa labas, at hinihinging ipakita nila ang kanilang pases sa pagpasok. Ang gayong kakaibang galaw ay di-tulad ng inaasahan ng mga tao, at lahat sila ay nagulat. Bakit ang pasukan—na laging nakabukas nang malaki—ay biglang isinara nang mahigpit ngayon? Ang mga tao ay pumapadyak at palakad-lakad. Naguguni-guni nila na maaari nilang maipasok ang kanilang sarili, ngunit kapag iniabot nila ang kanilang mga huwad na pases sa pagpasok, itinatapon Ko agad ang mga iyon sa hukay ng apoy—at, nakikita ang kanilang sariling ‘maingat na pagsisikap’ na naglalagablab, nawawalan sila ng pag-asa. Sinasapo nila ang kanilang mga ulo, umiiyak, pinanonood ang magagandang tanawin sa loob ng kaharian ngunit hindi makapasok. Gayunman ay hindi Ko sila pinapapasok dahil sa kanilang kaawa-awang kalagayan—sinong maaaring sumira sa Aking plano kung gugustuhin nila? Ang mga pagpapala ba ng hinaharap ay ibinibigay kapalit ng sigasig ng mga tao? Ang kahulugan ba ng pantaong pag-iral ay nakasalalay sa pagpasok sa Aking kaharian ayon sa kagustuhan ng isa? … Matagal na Akong nawalan ng pananampalataya sa tao, matagal na Akong nawalan ng pag-asa sa mga tao, sapagka’t wala silang ambisyon, hindi nila Ako kailanman nabigyan ng pusong nagmamahal sa Diyos, at sa halip ay laging ibinibigay sa Akin ang kanilang mga pangganyak. Marami na Akong nasabi sa tao, at yamang binabalewala pa rin ng mga tao ang Aking payo ngayon, sinasabi Ko sa kanila ang Aking pananaw upang hadlangan sila sa maling-pagkaunawa sa Aking puso sa hinaharap; kung sila man ay mabuhay o mamatay sa darating na mga panahon ay problema na nila, wala Akong kontrol dito. Umaasa Akong makikita nila ang kanilang sariling landas sa pananatiling buhay, at wala Akong kapangyarihan dito” (“Kabanata 46” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Kapag handang isakripisyo ng mga tao ang kanilang mga buhay, ang lahat ng bagay ay nagiging magaan, at walang makagagapi sa kanila. Anong maaaring maging higit na mahalaga kaysa buhay? Sa gayon, si Satanas ay nawawalan ng kakayahang gumawa pa sa mga tao, walang anumang magagawa ito sa tao. Bagaman, sa pakahulugan sa ‘laman’ sinasabi na ginawang tiwali ni Satanas ang laman, kung tunay na ibinibigay ng mga tao ang kanilang mga sarili, at hindi hinihimok ni Satanas, kung gayon walang sinuman ang makagagapi sa kanila—at sa sandaling ito, gagampanan ng laman ang isa pa nitong tungkulin, at magsisimulang opisyal na tanggapin ang patnubay ng Espiritu ng Diyos. Ito ay isang kinakailangang proseso, dapat itong mangyari nang isa-isang hakbang; kung hindi, hindi magkakaroon ang Diyos ng daan ng paggawa sa sutil na laman. Ganoon ang karunungan ng Diyos” (“Kabanata 36” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Masyado akong balisa habang pinagninilayan ang mga salita ng Diyos. Hindi ba ako nakakaramdam ng gano’ng pagka-negatibo at sakit dahil takot ako sa kamatayan at labis na naghahangad ng mga pagpapala? Noong mga unang araw, naniwala ako sa Diyos para sa mga pagpapala at para makapasok sa kaharian ng langit. Kahit pinagdaanan ko ang pagsubok ng mga taga-serbiyso, at kaya nang bitawan nang kaunti ang paghahangad ko ng mga pagpapala at disidido nang gumawa ng serbisyo sa Diyos, malalim na nakaugat ang mapanlinlang at masamang satanikong kalikasan ko. Nang gawin kami ng Diyos bilang bayan Niya, muling umasa ang puso ko. Naisip kong siguradong makakapasok na ako sa kaharian ng langit sa pagkakataong ito. Akala ko sa pamamagitan ng pagtanggap sa pangalan ng Diyos, sa pag-aangat ng Diyos, ang maging isa sa bayan ng kaharian, pag-iwan sa lahat, at paggugol ng sarili, siyempre makakapasok ako sa kaharian ng langit. Isa ’yong sertipiko ng kamatayan. Nang basagin ng gawain ng Diyos ang aking mga pagkaunawa at kinuha ang aking mga pag-asa at destinasyon, naging mahina at negatibo ako at nagreklamo sa Diyos. Pinagsisihan ko pa nga ang mga sakripisyong ginawa ko noon. Nakita ko na ang lahat ng mga pagsisikap ko ay para makakuha ng mga pagpapala ng kaharian ng langit bilang kapalit. Hindi ba ako nakikipagtawaran sa Diyos, dinadaya Siya at ginagamit Siya? Wala akong inihayag kundi pagiging mapaghimagsik at mga reklamo sa harap ng bawat pagsubok. Gusto ko Siyang sundin pero hindi ko magawa, at hindi ako makapagsagawa ng mga katotohanang alam na alam ko. Napagtanto kong likas akong lumalaban sa Diyos, na pag-aari ako ni Satanas. Ang isang tulad ko, na puno ng mga satanikong disposisyon, ay dapat mamatay at puksain. Ganap akong hindi karappat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos. Ito ay itinakda nng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang pagkakaro’n ng pagkakataong sundin ang Diyos at malaman ang Kanyang matuwid na disposisyon ay nangangahulugan na hindi nasayang ang buhay ko! Tapos nanalangin ako sa Diyos: “Ayoko nang mabuhay para sa laman ko, sa halip gusto kong magpasakop sa Iyong paghahari at mga pagsasaayos. Ano man ang kahinatnan ng aking katapusan, kahit mamatay man ako, pupurihin ko pa rin ang Iyong katuwiran.” Nang itigil ko ang pag-iisip tungkol sa aking katapusan at destinasyon at ninais na sundin ang mga pagsasaayos ng Diyos kahit sarili kong buhay ang maging kabayaran, Nakaramdam ako ng kamangha-manghang pakiramdam ng pagpapalaya.

Pero nung panahong ’yon, kahit nagawa nating sumunod at tumalima sa Diyos anuman ang ating kalalabasan, wala tayong hinahangad na isang layunin. Pero nung Mayo 1992, nagpahayag ang Diyos ng mas maraming salita, sinasabi sa’ting hanapin ang pagmamahal ng Diyos habang nabubuhay at magsabuhay ng makabuluhang mga buhay. Hinatid tayo ng Diyos patungo sa panahon ng pagmamahal sa Diyos, at tapos na ang pagsubok ng kamatayan. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pagtitipon at pagbabahagi, napagtanto ko na bagaman nasa mga kamay ng Diyos ang kapalaran ng tao at walang makakatakas sa kamatayan, hindi kalooban ng Diyos na negatibo nating harapin ang kamatayan. Gusto Niyang maghanap tayo para mahalin Siya habang buhay tayo, na makapagsagawa ng katotohanan, itapon ang ating mga tiwaling disposisyon, at lubos na maligtas. Doon lang tayo magiging angkop na pumasok sa Kanyang kaharian. Naunawaan ko sa wakas na sa paggabay sa atin patungo sa pagsubok ng kamatayan, hindi tayo ginagabayan ng Diyos sa ating mga kamatayan, ngunit ihinahayag sa atin ang Kanyang matuwid na disposisyon. Ginawa Niya ito para maunawaan natin kung sino ang inililigtas Niya, kung sino ang winawasak Niya, at kung sino ang angkop na pumasok sa kaharian Niya. Nakita ko rin kung gaano ako ginawang tiwali ni Satanas at nagawa kong pakawalan ang aking mga pagkaunawa, mga haka-haka, at ang paghahangad ko ng mga pagpapala. Nagawa kong magpasakop sa paghahari at mga pagsasaayos ng Diyos at talagang nagsimulang hanapin ang katotohanan. Ito ang pagliligtas sa akin ng Diyos! Mas nakita ko pa na hindi humahatol at kumakastigo ng mga tao ang Diyos dahil sa kinamumuhian Niya tayo o gusto Niya tayong pahirapan, kundi para gabayan tayo patungo sa tamang landas ng paghahanap ng katotohanan at pagkakaligtas! Lahat ng ginagawa ng Diyos sa atin ay hindi sa pamamagitan ng pagdating ng mga katotohanan. Kumukuha Siya ng mga resulta sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga salitang humahatol, kumakastigo, sumusubok at pumipino sa atin. Napakatalino ng gawain ng Diyos at napakatotoo ng Kanyang pagmamahal at pagliligtas para sa tao!


Rekomendasyon: Ang mga Salita ng Diyos ay Lumilikha ng mga Himala sa Buhay

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.