Paalam, Mapagpasaya ng Mga Tao!

mga kristiyano
Ni Lin Fan, Espanya

Akala ko mabuti’ng mga nagpapasaya ng tao, nung ’di pa ako nananalig sa Diyos. Mahinahon ang mga disposisyon nila, gusto sila ng lahat, ’di sila nakakasakit ng iba. Hinangad kong maging gaya nila. Dahil mula nung bata ako, siniksik sa isip ko ng lipunan ang mga gaya ng “Yaman ang pagkakasundo, kabutihan ang pagtitimpi,” “May nakikita mang mali, manahimik na lang,” At “Manahimik para sa sariling proteksyon.” “Kung kaluguran ang kamangmangan, kahangalan ang maging mautak.” Hindi, “Sa pananahimik sa kasalanan ng kaibigan.” Isinaisip ko ang mga ideyang ito at isinabuhay. Hindi mahalaga kung pamilya at mga kaibigan o kakilala lang, ’di ako nakasakit sa sinuman, at laging sumunod sa gusto ng iba. Pinuri ako ng lahat dahil mabait ako sa mga tao at madaling pakisamahan. Nadama ko rin na para mabuhay sa madilim, at masamang lipunang ito dapat kang makisama sa nakapaligid sa iyo, dahil ’yon lang ang paraan para magkalugar ka. Nang tanggapin ko’ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, makastigo’t mahatulan ng salita Niya’t maunawaan ang ilang katotohanan, nakita kong mala-satanas na pilosopiya’ng mga prinsipyong ’to para mabuhay, mala-satanas na lason, hindi prinsipyong dapat panghawakan ng tao. Nakita kong sa pamumuhay sa ganitong paraan, lalo ’kong naging mapanlinlang, makasarili’t kasuklam-suklam, satanikong disposisyon lang ang ’sinabuhay ko’t ’di ako kawangis ng tao. Namuhi ako sa sarili ko’t nagsisi sa Diyos.

No’ng 2018, naging pinuno ako ng distrito. Sa una, ’di ko ga’nong alam ang tungkol sa gawain ng iglesia. Yung ka-partner kong si Sister Liu, mahigit isang taon niya nang ginagawa ang tungkuling ito, naunawaan niya’ng iba’t ibang aspeto ng gawain, kaya nagpatulong ako sa kanya tungkol sa problema ko, at malaki ang naitulong niya. Kalaunan, narinig kong binanggit ni Sister Liu na si Sister Zhang na pinuno ng isang iglesiang responsibilidad niya, matagal nang ’di ginagawa nang mabuti ang tungkulin niya, doktrina lang ang sinasabi sa pulong, mapagmataas, at ayaw tumanggap ng mungkahi o tulong ng iba. Naisip ko no’ng sandaling ’yon maaaring pagpapakita ’yon ng isang huwad na pinunong ’di gumagawa ng praktikal na gawain, at dahil alam ’yon ni Sister Liu, nagtaka ’kong bakit ’di niya tinanggal si Sister Zhang. Gusto ko sana siyang kausapin, pero naisip kong kasisimula ko pa lang at ’di ko gaanong kilala si Sister Zhang. Kung direkta akong magsasalita, baka pagsabihan ako ni Sister Liu na padalus-dalos at ’di ako maunawain. Dahil naisip ’yon, ’pinahiwatig ko lang kay Sister Liu ang nasasaloob ko, pero ’di niya ’yon ga’nong pinansin at hiniling niyang tulungan ko si Sister Zhang. Naisip ko, “Dapat alam niya’ng mga prinsipyo sa pagpapalit ng mga lider, kaya kung babanggitin ko ’yon uli, iisipin kaya niyang sinasabi kong ’di praktikal ang gawain niya? At tiyak na maiisip niyang nagdudulot ako ng problema’t mahirap akong pakisamahan. Kung magiging sanhi ’yon ng gusot namin, Pa’no namin gagawin ang mga tungkulin bilang mag-partner?” No’ng sandaling iyon, nagpasiya akong huwag nang magsalita.

Ilang beses kong kinausap si Sister Zhang para ilantad at suriin ang mga isyu sa kanya. Bukod sa tumanggi siyang tanggapin ’yon, nakipagtalo siya sa ’kin. Hanggang sa nagsumbong ang mga kapatid na ’di gumagawa ng praktikal na gawain si Sister Zhang. Do’n ko lang natanto na mabigat ang problema ni Sister Zhang, at kung ’di namin agad malutas ’yon, maaantala’ng gawain ng iglesia at ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Kaya, binanggit ko uli kay Sister Liu na tanggalin si Sister Zhang. Pero sabi ni Sister Liu, “Naibigay na sa mga nakatataas ang mga sumbong na ’yan. Maghintay tayong malaman nilang puno’t dulo bago natin siya tanggalin.” Naisip ko, “Sa mga sumbong at pagsuri sa sitwasyon, makikita nating di gumagawa ng praktikal na gawain si Sister Zhang, puro kasabihan at doktrina lang ang sinasabi. Alam na namin na isa siyang huwad na lider, kaya ayon sa mga prinsipyo, dapat tanggalin siya agad.” “Mga lider tayo ng distrito, at lumitaw ang isang huwad na lider sa iglesia, pero imbes na harapin agad ’yon, dinala pa natin ’yon sa nakatataas. Hindi ba’t pag-antala ’yon at pagpayag na ipahamak ang mga kapatid ng isang huwad na lider? Pagpanig ’yon kay Satanas at pagsalungat sa Diyos!” Napakabigat na problema ’yon! Gusto kong banggitin uli ’yon kay Sister Liu, Pero naisip ko, no’ng huling banggitin ko ’yon, ayaw niyang palitan si Sister Zhang, at sinabihan niya ako na magiliw ko ’yong pakitunguhan. Nakita kong talagang magkasundo sila, kaya pag binanggit ko uli ang pagtanggal kay Sister Zhang, baka sabihin ni Sister Liu na masyado akong mayabang. Hindi kaya isipin niyang nagpapakitang-gilas lang ako? Nagpasiya akong huwag magsalita. Tutal iniimbestigahan na ’yon ng mga nakatataas sa ’min. Maghihintay na lang kami. Kaya, nagtimpi ako, at hindi nagsalita. Makalipas ang ilang araw matapos ’yong imbestigahan ng mga nakatataas, pinagsabihan kami dahil ’di namin ’yon inaksyunan agad, ginulo namin ang gawain ng iglesia at naantala’ng pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Pakikipagsabwatan daw ’yon kay Satanas at pinapahamak no’n ang mga kapatid. Nang marinig ko ’yon, talagang nalungkot ako. Natanto kong ’di ko ’sinagawa’ng katotohanang alam ko, ’di ko pinanindigan ang prinsipyo. Talagang pinagtanggol ko’ng isang huwad na lider. Pinagtakpan ko siya. Kaya, ’di ako nag-aksaya ng panahon na tanggalin siya. Pero pagkatapos no’n, sinisi ko lang nang konti ang sarili ko, di ko sinamantala’ng pagkakataong magsuri pa ng sarili. Kalaunan, natuklasan kong puro kasabiha’t doktrina lang si Sister Liu, at ’di niya malutas ang mga problema ng mga kapatid. Nang sabihin ko’ng pagkukulang niya, ayaw niya ’yong tanggapin at nagtangkang makipagtalo. Walang nakamit sa gawain na responsibilidad niya, at nang pagsabihan siya ng mga nakatataas, di niya ’yon tinanggap, naging pabaya siya sa gawain, at natadtad ng mga reklamo. Nung panahong ’yon, gusto kong ilantad ang kalagayan niya, pero natanto kong bilang ka-partner niya, pananagutan ko rin kung sakaling pumalpak kami, at kung susuriin ko’ng problema niya, sasabihin niyang hindi ako maunawain, kaya hindi na ’ko nangahas na gawin ’yon. Sa halip, inaliw ko na lang siya at hinikayat na huwag maging negatibo. Pero matapos iyon, natanto ko na hindi nagbago si Sister Liu kahit na kaunti. Wala talaga siyang kamalayan sa sarili! Kung magpapatuloy ’yon, maaantala’ng gawain ng iglesia at mapapahamak ang mga kapatid. Natanto kong kailangan kong isumbong ’yon sa nakatataas sa lalong madaling panahon. Nagkataong nagsu-survey no’n ang iglesia, at pinagsulat ako ng ebalwasyon tungkol kay Sister Liu. Naghahanda na ’kong magsulat, pero naalala kong hindi alam ng karamihan sa mga kapatid ang ginagawa niya at suportado nila siya. Kaya, kung isusumbong ko’ng problema kay Sister Liu, sasabihin kaya nilang pakana ko ’yon at gusto ko siyang tanggalin, para ako na lang ang masunod sa lahat ng bagay? Maliban do’n, magka-partner kami sa tungkulin at marami siyang naitulong sa ’kin. Kung talagang matatanggal siya, magagalit kaya siya sa ’kin? Nag-isip akong mabuti, at nagpasiya sa huli na pagtatakpan ko ang mga detalye tungkol sa hindi niya paggawa ng praktikal na gawain o pagtanggap ng katotohanan. Pero pagkapasa ko no’n, hindi mawala ang pagkabalisa ko. Alam kong tinatago ko’ng totoo’t nililinlang ang Diyos, nagkaro’n ako ng espirituwal na kadiliman. Nakakatulog ako pag nagbabasa ng salita ng Diyos, at wala ’kong natamong kaliwanagan sa mga pagtitipon. Hindi ko matuklasan ang mga problema ng mga kapatid. Araw-araw akong lito, at walang kalakas-lakas, naramdaman ko na tinalikuran na ’ko ng Diyos.

Kalaunan, siniyasat ng mga nakatataas ang nangyari, at natanggal si Sister Liu bilang huwad na lider na ’di gumawa ng praktikal na gawain. Nakaramdam ako ng malaking kahihiyan at pagsisisi, lalo na pag naisip ko’ng salita ng Diyos, “Ang lahat ng nananatili sa isang masayang kalagayan ang pinakamasama. Hindi nila sinasaktan ang sinuman at pinapasaya ang mga tao, nakikibagay sila sa mga bagay at walang sinuman ang nakakakilala sa kanila. Ang gan’on ay isang nabubuhay na Satanas!” (“Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Naiwawaksi Mo ang Mga Tali ng Isang Tiwaling Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Inihahayag ng salita ng Diyos na’ng nagpapasaya sa mga tao’y mga nabubuhay na Satanas. Natanto ko na gano’n nga ako. Matagal ko nang alam na huwad na pinuno si Sister Liu, pero para mapangalagaan ang pinagsamahan namin, pinili kong magkasala sa Diyos at ’di isinagawa’ng katotohanan. Pinagtakpan ko’ng huwad na lider, nagkasala sa Diyos, at nakagawa ng paglabag. Nadama kong wala na ’kong pag-asa, na ’di ililigtas ng Diyos ang gaya ko. Namuhay ako sa kalungkutan at pagiging negatibo sa loob ng ilang araw. Nawalan ako ng interes na gumawa ng anuman. Pero, naalala ko’ng salita ng Diyos: “Maging anumang mga kamalian ang nagawa mo, gaano man kalayo kang naligaw o gaano ka man lumabag, huwag hayaan ang mga ito na maging mga pasanin o dagdag na pabigat na dadalhin mo sa iyong paghahangad na maunawaan ang Diyos: Ipagpatuloy ang paglalakad nang pasulong. Kung kailan man ito magaganap, ang puso ng Diyos na siyang kaligtasan ng tao ay hindi kailanman nagbabago: Ito ang pinakamahalagang bahagi ng kakanyahan ng Diyos” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Paulit-ulit kong pinagnilayan ang mga salitang ito ng Diyos, at nadama ko na bawat salita at linya ay nagdadala ng awa’t pag-asa para sa’kin. Kahit na nagkasala ako sa disposisyon ng Diyos, ginamit pa rin ng Diyos ang salita Niya para aliwin at hikayatin ako, at sabihin sa’kin na magpatuloy. Nakadama ako ng lubos na pasasalamat, at sinabi ko sa sarili kong ’di na ako magiging negatibo. Kapag nabigo ako, kailangan kong bumangon uli. Dapat kong maunawaan ang mga problema, at hanapin ang katotohanan para malutas ’yon.

Nabasa ko’ng isa pang salita ng Diyos: “Nakapagsabi na ang lahat na isasaalang-alang nila ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia. Sino ba talaga ang nagsaalang-alang na sa pasanin ng Diyos? Itanong sa sarili: Ikaw ba’y isa na nagpakita na ng pagsasaalang-alang para sa pasanin ng Diyos? Makakapagsagawa ka ba ng katuwiran para sa Diyos? Makakapanindigan ka ba para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? May sapat ka bang tapang na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapapahintulutan mo ba ang kalooban Ko na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba’ng ’yong puso sa pinakakritikal na sandali? Ikaw ba’y isang gumagawa ng Aking kalooban? Tanungin mo ang ’yong sarili at madalas itong isipin” (“Kabanata 13” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Matapos basahin ang salita ng Diyos at ang sermon, nakadama ako ng sakit na tumarak sa puso ko. Nakita ko na isa lang akong tusong nagpapasaya sa mga tao. Nang may problema, prinotektahan ko’ng sarili ko ’di inisip ang kapakanan ng bahay ng Diyos, wala ’kong pakialam sa responsibilidad sa ’king tungkulin. Dapat nilutas ko ’yon agad nang lumitaw ang huwad na mga pinuno, Pero dahil sa takot ko na masaktan ko si Sister Liu, natakot ako na isagawa ang katotohanan o ilantad at isumbong ’yon. Sinadya kong itago’t pagtakpan ang katotohanan para protektahan siya. Dahil do’n naapektuhan ang lahat ng gawain ng iglesia at kinulang ang mga kapatid ko ng tamang buhay-iglesia. Ipinagkatiwala sa ’kin ng Diyos ang mahalagang tungkuling iyon, pero nang lumitaw ang huwad na mga lider sa iglesia, tinalikuran ko’ng prinsipyo ng katotohanan para sa sariling interes, muli’t muling pumanig kay Satanas at ipinagtanggol ko sila. Alam kong maaapektuhan ang gawain ng iglesia, pero hindi ko isinagawa ang katotohanan. Sa tuwing maaari akong makasakit sa isang tao, tinatalikdan ko’ng prinsipyo ng katotohanan. Naging makasarili ako. Di ba nakakagulo sa gawain ng bahay ng Diyos ang paggawa sa ganitong paraan at pakikipagsabwatan kay Satanas? Di ako nangahas na isagawa’ng katotohanan. Hindi ako matuwid. Pa’no ’ko naging lider ng iglesia? Makasarili ako, kasuklam-suklam, at makitid ang isip! Lalo akong nasaktan sa mga salita ng Diyos na kinasusuklaman Niya’ng mga nagpapasaya sa mga tao, at sinasabi sa sermon na ’di tinatanggap ng bahay ng Diyos ang mga nagpapasaya ng mga tao bilang lider, dahil meron silang masasamang puso, at makakasira lang sa bahay ng Diyos at mga kapatid. Sa pagtatanggol at pagtatakip sa huwad na mga lider, nagkasala na ’ko sa Diyos at sa disposisyon Niya, kaya lumapit ako sa Diyos at nagdasal sa Kanya. “Diyos ko, nilabag ko’ng kalooban Mo. Alam ko’ng katotohanan pero ’di ko ’sinagawa, kaya nasira’ng gawain ng iglesia. Handa kong tanggapin ang ’Yong sumpa’t kaparusahan. Anuman ang pagtrato Mo sa ’kin sa hinaharap, handa akong sumunod at magsisi sa Iyo.”

Matapos magdasal, inisip ko kung ba’t ko sinikap na pasayahin ang mga tao nang mangyari ang mga bagay-bagay. Ano ba yung bagay na kumokontrol sa’kin? Kalaunan nabasa ko’ng salita ng Diyos: “Ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng edukasyon at impluwensiya ng pambansang pamahalaan at ng mga sikat at dakila. Ang kanilang kahangalan ay naging buhay at kalikasan ng tao. Ang ‘Lahat para sa kanya-kanyang sarili at kinukuha ng diyablo ang pinakahuli’ ay isang sikat na mala-satanas na kasabihan na naikintal na sa lahat at naging buhay na ng mga tao. May iba pang salita ng pilosopiya para sa pamumuhay na katulad nito. Ginagamit ni Satanas ang mainam na tradisyunal na kultura ng bawat bayan para turuan ang mga tao, nagsasanhi ng pagkahulog ng tao at pagkasadlak sa isang walang-hanggang bangin ng pagkawasak, at sa katapusan ay winawasak ng Diyos ang tao dahil naglilingkod sila kay Satanas at nilalabanan ang Diyos. … Marami pa ring mala-satanas na lason sa buhay ng tao, sa ugali nila at pakikitungo sa iba; hindi sila nagtataglay ni katiting na katotohanan. Halimbawa, ang mga pilosopiya nila para sa pamumuhay, ang kanilang mga paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, at kanilang mga kasabihan ay puno ng mga lason ng malaking pulang dragon, at lahat ng mga ito ay galing kay Satanas. Kaya, ang lahat ng dumadaloy sa mga buto at dugo ng mga tao ay mga bagay na kay Satanas. Lahat ng opisyal na iyon, na may kapangyarihan, at nagtatagumpay ay may sarili nilang landas at lihim sa tagumpay, kaya hindi ba lubos na ipinapakita ng lihim na iyon ang kanilang pagkatao? … Labis nang ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Ang kamandag ni Satanas ay dumadaloy sa dugo ng bawat tao, at makikita na ang likas na pagkatao ng tao ay tiwali, masama, at reaksyunaryo, puno ng mga pilosopiya ni Satanas at nakalubog dito—ito’y isang likas na pagkatao’ng nagtataksil sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nilalabanan at kinokontra ng mga tao ang Diyos” (“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Nahanap ko’ng ugat ng pagiging isang tao kong nagpapasaya sa tao. Dahil ’yon sa nung bata pa ako, tinuruan ako ng Partidong Komunista ng Tsina, at pinuno ako ng makamundong pilosopiya, lohika’t patakaran, gaya ng “Ang bawat tao para sa sarili niya, bahala na’ng iba,” “May kasalanan ang tao; ’di sila santo.” “Kahit may mali, manahimik na lang,” pati yung “Manahimik para sa sariling proteksyon,” “Tumatagal ang pagkakaibigan sa pananahimik sa kasalanan ng kaibigan.” Itinanim sa puso ko’ng mga bagay na ’yon, at isinabuhay ko ang mga ’yon Naging mas mayabang ako, makasarili, kasuklam-suklam, at mapanlinlang. Ginawa kong kasabihan sa buhay ko’ng mga ’yon. Inobserbahan ko ang mga ekspresyon ng iba, at maingat kong pinakitunguhan ang lahat ng tao. Pinasaya ko ang mga tao, naging karaniwan, hindi ako nanakit ng sinuman, di ako nangahas magsalita ng katotohanan, at nabuhay ako nang walang dignidad. Nang lumitaw ang huwad na mga lider, sa takot na saktan si Sister Liu, tinalikuran ko’ng prinsipyo ko, pinili kong maging duwag, at tinulutan silang ipahamak ang mga kapatid at hadlangan ang gawain ng bahay ng Diyos. Pa’no ko masasabing mabuti ako? Maitim ang puso ko, “mabait na tao,” isang alipin ni Satanas. Wala akong anumang katuwiran o lakas ng loob. Kung sinuri ko at tinulungan nang mas maaga si Sister Liu, baka hindi siya nakagawa ng napakaraming paglabag, hindi sana nahadlangan ang gawain ng bahay ng Diyos at ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. at ’di sana ’ko nagkasala sa disposisyon ng Diyos. Kaya nakita kong ang pamumuhay sa makamundong pilosopiyang ’yon at pagiging isang nagpapasaya sa tao ay makakapagpahamak lang sa mga tao, at pati na rin sa sarili ko. Nakikita ko na mula sa mga katotohanang naibunyag na ang sataniko, makamundong pilosopiya at patakarang ’to ay nagpapatiwali lang sa mga tao. Galit sila sa salita ng Diyos at katotohanan. Pag ’sinasabuhay natin ang mala-satanas na mga pilosopiyang ito, gaano man tayo kabait o kahinahon, mandaraya pa rin tayo, kasuklam-suklam, at kalunus-lunos. Kung ’di natin isasagawa ang katotohanan, at magbabago, tatalikura’t aalisin tayo ng Diyos.

Nabasa ko ang isa pang salita ng Diyos: “Ang Diyos ay may diwa ng katapatan, kaya’t ang Kanyang salita ay palaging mapapagkatiwalaan. Higit pa, ang Kanyang mga pagkilos ay walang kapintasan at hindi mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos yaong mga lubos na matapat sa Kanya” (“Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang hinihingi ng Diyos sa mga tao na maging matapat ang nagpapatunay na tunay na kinamumuhian Niya ang mga mandaraya, na hindi Niya gusto ang mga taong mandaraya. Ang katunayan na hindi gusto ng Diyos ang mga mandaraya ay nangangahulugan na hindi Niya gusto ang kanilang mga kilos, disposisyon, at ang kanilang mga motibo; iyon ay, hindi nais ng Diyos ang paggawa nila ng mga bagay-bagay. Kaya kung bibigyan natin ng kasiyahan ang Diyos, dapat muna nating baguhin ang ating mga kilos at paraan ng pag-iral” (“Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). “Sa sandaling nagkaroon ka na ng pananampalataya, kapag lumalapit sa Diyos nguni’t namumuhay pa rin sa dating gawi, ang iyo bang paniniwala sa Diyos ay makabuluhan? Mahalaga ba ito? Ang mga mithiin at mga prinsipyo ng iyong buhay at paraan ng iyong pamumuhay ay hindi nagbago, at ang tanging lamáng mo sa mga hindi-mananampalataya ay ang iyong pagkilala sa Diyos. Sa tingin ay tila sumusunod ka sa Diyos, nguni’t hindi nagbago ni katiting ang iyong disposisyon. Sa huli, hindi ka maliligtas. Dahil sa ganyang kalagayan, hindi ba’t ito’y isang hungkag na paniniwala at hungkag na kagalakan?” (“Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Naiwawaksi Mo ang Mga Tali ng Isang Tiwaling Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Matapos mabasa ’yon, nakita kong may diwa ng katapatan ang Diyos, gusto Niya’ng matatapat na tao at ’di ang mandaraya. Nang mamuhay ako sa satanikong pilosopiyang ’yon, ’di nagbago’ng kilos ko’t pananaw sa mga bagay-bagay. Para ’kong ’di mananampalataya. Ga’no katagal man akong manampalataya sa gano’ng paraan, ’di ako maliligtas. Yon lang nagsasagawa ng katotohanan, na walang pandaraya sa puso, na may tapang na panindigan ang katotohanan, at pumapanig sa Diyos at nagsasaalang-alang ng kalooban Niya ang mga minamahal Niya, at lubos Niyang maililigtas! Matapos maunawaan ang hinihingi ng Diyos, nagdasal ako’t sumumpa na isasagawa ko ang katotohanan, at magiging tapat.

Ilang buwan kalaunan, nalaman kong ang bago kong ka-partner na si Brother Li ay kasabihan at doktrina lang ang sinasabi. Kinausap ko siya tungkol do’n, pero walang pagbabago, kaya sinabi ko ’yon sa mga nakatataas sa ’min. Pero pagkatapos, inutos nila sa ’king siyasatin at ilantad ang mga ugali niya, at nagsimula ’kong makadama ng pangamba. Parang umurong ang dila ko tungkol sa bagay na ’yon, dahil mas matagal nang ginagampanan ni Brother Li ang tungkulin niya ro’n kaysa sa iba. Itinuring na siyang parang elder, at tinulungan niya ako sa gawain ko noon. Kung ilalantad ko ang kalagayan niya, ano’ng iisipin niya sa’kin? Masasaktan kaya siya? Tapos, nabasa ko’ng talatang ito ng mga salita ng Diyos: “Kung taglay mo ang mga motibasyon at pananaw ng isang ’mabait na tao,’ lagi kang magkukulang at mabibigo sa mga bagay na ito. Kaya ano ang dapat mong gawin sa gayong mga sitwasyon? Kapag naharap ka sa ganitong mga bagay, dapat kang manalangin sa Diyos. Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng lakas, na tulutan ka Niyang masunod ang prinsipyo, na magawa mo ang dapat mong gawin, na mapangasiwaan mo ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo, manindigan, at huwag hayaang masira ang gawain sa bahay ng Diyos. Kung kaya mong talikdan ang sarili mong mga interes, reputasyon at pananaw ng isang ’mabait na tao,’ kung ginagawa mo ang dapat mong gawin nang tapat at buong puso, kung gayon, natalo mo na si Satanas, at matatamo na ang aspetong ito ng katotohanan” (“Nahahabol Mo Lamang ang Katotohanan Kapag Kilala Mo ang Iyong Sarili” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa pagbabasa nito, naging malinaw sa’kin na sinusubukan ako ng Diyos kaya ito dumating sa’kin at binibigyan ako ng pagkakataong magsisi. Oo. Gustong makita ng Diyos kung paano ko ’to pangangasiwaan. Hindi ko hahayaang protektahan ko uli ang relasyon ko sa iba gaya noon. Dapat kong unahin ang gawain ng iglesia, isagawa’ng katotohana’t panindigan ang katuwiran. Kung naghahangad ng katotohanan si Brother Li, magagamit niya’ng pagbabahagi para maunawaan ang sarili niya, na makakatulong sa pagpasok niya sa buhay, at pag-iwas na makagawa ng mas maraming paglabag. Tama. Kaya naman, pinuntahan ko si Brother Li, at isa-isang inilantad ang mga kalagayan at ugali niya gamit ang salita ng Diyos. Ang ikinagulat ko ’di lang ’di sumama ang loob n’ya sa ’kin, nagsisisi niya ring sinabing “Kung ’di mo ’ko inilantad sa ganitong paraan, di ko malalaman ang tungkol sa mga problema ko. Kailangan kong magnilay at matamo’ng pagpasok.” Maganda. Naantig ako nang husto nang marinig ang mga sinabing ’yon ni Brother Li. Nag-alala akong baka maghinanakit siya sa’kin sa paglalantad ko sa kanya, pero imahinasyon ko lang pala ’yon. Nang sandaling ’yon, tunay na naranasan kong ang pagsasagawa ng katotohanan ay nagdudulot ng kapayapaan ng isip, at mas inilalapit tayo sa Diyos. Naranasan kong ang paraan lang para mapangalagaan ang gawain ng bahay ng Diyos ay ang pagsasagawa ng katotohahan. Ito lang ang paraan para tunay na matulungan ang mga kapatid.

Sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, nabago’ng ilan sa mali kong mga pananaw, at nagbago’ng makasarili’t kasuklam-suklam na satanikong disposisyon ko. Pag nagpapakita ngayon ang mga kapatid ng katiwalian, o kapag tumatalikod sa prinsipyo ng katotohanan, di ko na sila pinagtatakpan, o pinoprotektahan ang pinagsamahan namin ng mga tao. Lagi ko nang isinasagawa ang katotohanan at inilalalantad ang mga bagay. Kahit na minsan nangangamba pa rin akong makasakit ng iba, pwede akong magdasal sa Diyos, kalimutan ang sarili, magsagawa ayon sa prinsipyo ng katotohanan, at ’di na isabuhay ang satanikong pilosopiya. Sa ganitong pagsasagawa, nakadama ako ng kapanatagan at katatagan. Magaan sa pakiramdam. Ang pagbabago’t pagtatamo nitong lahat ay dahil sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos.


Manood ng higit pa: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Tagalog Christian Movie Trailer | “Mabuting Tao Ako!”

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.