Ang Kidlat Ay Kumidlat Mula Sa Silangan: Ang Anak ng Tao Ay Bumaba Na

Salita ng Diyos

Ang Panginoong Jesus ay iprinopesiya, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 25:27). Alam mo ba ang mga kahulugan ng “kidlat,” “kumikidlat sa silanganan,” “nakikita hanggang sa kanluran,” at “ang pagparito ng Anak ng tao”? Ngayon, ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, ay dumating at isiniwalat ang mga hiwaga sa propesiya.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng bansa at mga denominasyon. Ang Aking tinig ang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Kong malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang mangahulog sa agos na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi sa Aking pagiging kaibig-ibig? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking hinirang, na magsalita pa ng marami pang salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng mga tao at kasabay nito ay nasusumpungang hindi nila maarok ang mga ito, ngunit mas nagagalak sa mga ito. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao nang sa gayon ay lumapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t lahat ng tao ay lumalapit sa Aking harapan at nakikita na kumikidlat mula sa Silangan at na nakababa na rin Ako sa “Bundok ng mga Olivo” ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Judio kundi bilang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay na mag-uli, at lumisan na mula sa sangkatauhan, at nagpakitang muli sa mga tao nang may kaluwalhatian. Ako ang Siyang sinamba nang napakaraming panahon bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikdan ng mga Israelita nang napakaraming panahon bago ngayon. Bukod pa rito, Ako ang lubos na maluwalhating Makapangyarihang Diyos sa kasalukuyang kapanahunan! Hayaang lumapit ang lahat sa harapan ng Aking luklukan at tingnan ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at masdan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaang sambahin Ako ng bawat bansa, kilalanin Ako ng bawat dila, panatilihin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya sa Akin, at magpasakop sa Akin ang bawat tao!”

Mula sa mga salitang ito ng Diyos makikita natin na ang gawain at salita ng Diyos sa mga huling araw ay ang kidlat na sumisikat mula sa Silangan.

Ang “kidlat” ay salita ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, na kumakalat mula sa Silangan hanggang sa Kanluran. Iyon ay, sa Silangan, sa Tsina, ang Makapangyarihang Diyos ay unang gagawa ng kumpletong isang pangkat ng mga taong tunay na nakakakilala sa Diyos, at pagkatapos ay sa pamamagitan ng mga taong ito, ang ebanghelyo ng mga huling araw ay kakalat sa Kanluran, upang ang mga tao sa buong mundo ay makatanggap ng kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw. Ngayon ang propesiya ay natupad!

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.