Mga Salita ng Diyos Ang Katotohanang Kailanma’y Di-nagbabago

123269061_3330310920356088_3473892194305599899_oSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Aking mga salita ay ang walang hanggang di-nagbabagong katotohanan. Ako ang panustos ng buhay para sa tao at ang tanging gabay para sa sangkatauhan. Ang kahalagahan at kahulugan ng Aking mga salita ay hindi pinagpapasyahan kung ang mga ito man ay kinikilala at tinatanggap ng sangkatauhan, ngunit sa pamamagitan ng diwa ng mga salita mismo. Kahit na wala ni isang tao sa daigdig na ito ang maaaring makatanggap ng Aking mga salita, ang halaga ng Aking mga salita at ang tulong nito sa sangkatauhan ay hindi masusukat ng sinumang tao. Samakatuwid, kapag nahaharap sa maraming tao na nagrerebelde, tumatanggi, o lubos na nilalait ang Aking mga salita, ang Aking paninindigan ay ito lamang: Hayaang Aking maging saksi ang panahon at mga katunayan at ipakita na ang Aking mga salita ay ang katotohanan, daan, at buhay. Hayaang ipakita ng mga ito na lahat ng Aking nasabi ay tama, at iyon ang dapat ipagkaloob sa tao, at, higit pa rito, ang dapat tanggapin ng tao. Hahayaan Ko ang lahat ng sumusunod sa Akin na malaman ang katunayang ito: Sa mga hindi kayang tanggapin nang lubos ang Aking mga salita, ang mga hindi kayang isagawa ang Aking mga salita, ang mga hindi makahanap ng layunin sa Aking mga salita at ang mga hindi kayang tanggapin ang kaligtasan dahil sa Aking mga salita, ay ang mga taong nahusgahan ng Aking mga salita, bukod dito, nawalan ng Aking kaligtasan, at hindi kailanman nalilihis ang Aking pamalo sa kanila.”

mula sa Ang Salita’y Nagpakita sa Katawang-tao


Inirekomendang pagbabasa:

Diyos Lamang ang Maaaring Magligtas sa Sangkatauhan at Magpalaya sa Atin mula sa Pasakit

Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.