Sa Pamamagitan Lamang ng Pagsisiyasat sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos Maaari Mong Masalubong ang Panginoon

Sa kasalukuyan, ang mga lindol, taggutom, bagyo, at iba pang mga sakuna ay sunod-sunod na umusbong. Ang iyong pag-asa ba sa pagdating ng Panginoon ay kagyat na lumaki? Gayunpaman, hangga’t hindi nakikita ang Panginoon na dumarating kasama ng mga ulap, ay maaaring iniisip mo na hindi pa Siya bumalik. Sa Pamamagitan Lamang ng Pagsisiyasat sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos Maaari Mong Masalubong ang PanginoonSa totoo lang, ang Panginoon ay bumalik na, at Siya ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng katotohanan at gumawa ng bagong gawain. Marahil, sasabihin mo: “Ang Panginoon ay hindi nakita na dumarating kasama ng mga ulap, kaya paano mo nasasabi na Siya ay bumalik na?” Balikan natin saglit-naniniwala ba tayo sa Panginoong Jesus dahil nakita natin ang imahe ng Kanyang katawang-tao? Tiyak na hindi. Naniniwala tayo dahil nabasa natin ang mga salita ng Panginoong Jesus sa Biblia at naobserbahan na ang mga ito ang katotohanan. Ngayon, ang Panginoon ay bumalik upang bigkasin ang Kanyang mga salita, at sa pamamagitan lamang ng paghahanap at pagsisiyasat ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay maaari nating masalubong ang pagbabalik ng Tagapagligtas. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap ng mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” At kaya, ang maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, hindi sila naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo pang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali!”

“Kung saan man nagpapakita ang Diyos, naroon ang pagpapahayag ng katotohanan, at naroroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos.”

mula sa “Ang Salita’y Nagpakita sa Katawang-tao”

Kung nais mong marinig ang mga salita ng nagbalik na Panginoon at makilala Siya, mangyaring I-click ang link upang makita ang page na ito Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng isang Bagong Kapanahunan. Kung interesado ka sa paksang ito o may anumang iba pang mga katanungan, makipag-ugnayan sa amin sa Messenger.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.