Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Silang nabibilang kay Satanas ay hindi nakakaintindi ng mga salita ng Diyos, at silang nabibilang sa Diyos ay maririnig ang tinig ng Diyos. Lahat silang nakakatanto at nakakaunawa ng mga salita na Aking binibigkas ay silang mga maliligtas, at magpapatotoo sa Diyos; lahat silang hindi nakakaunawa ng mga salitang Aking binibigkas ay hindi makakapagpatotoo sa Diyos, at sila ang siyang mga aalisin.
—mula sa “Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga patay ay yaong mga walang espiritu, yaong mga manhid sa sukdulan, at yaong mga sumasalungat sa Diyos. Bukod dito, sila ang mga hindi nakakakilala sa Diyos. Wala kahit na katiting na intensyon na sumunod sa Diyos ang mga taong ito, naghihimagsik lamang sila sa Kanya at sinasalungat Siya, at wala kahit na katiting na katapatan. Ang mga buhay ay yaong mga espiritung napanganak na muli, na alam sumunod sa Diyos, at yaong mga tapat sa Diyos. Pag-aari sila ng katotohanan, at ng patotoo, at ang mga tao lang na ito ang nakalulugod sa Diyos sa Kanyang tahanan. Inililigtas ng Diyos yaong mga kayang mabuhay, na makikita ang pagliligtas ng Diyos, na kayang maging tapat sa Diyos, at handang hanapin ang Diyos. Inililigtas Niya yaong mga naniniwala sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at naniniwala sa Kanyang pagpapakita. Kayang mabuhay ng ilang tao, at ang ilan ay hindi; nakasalalay ito sa kung kayang maligtas o hindi ang kanilang kalikasan. Maraming tao ang nakarinig na nang marami sa mga salita ng Diyos ngunit hindi nauunawaan ang kalooban ng Diyos, narinig na nila ang maraming salita ng Diyos ngunit wala pa ring kakayahang ilagay sa pagsasagawa ang mga ito, wala silang kakayahang isabuhay ang anumang katotohanan at sadyang hinahadlangan din ang gawain ng Diyos. Wala silang kakayahang gumawa ng anumang gawain para sa Diyos, hindi nila kayang magtalaga ng anumang bagay sa Kanya, at palihim din nilang ginugugol ang salapi ng iglesia, at kumakain nang libre sa tahanan ng Diyos. Patay ang mga taong ito, at hindi sila maliligtas. Inililigtas ng Diyos ang lahat ng nasa piling ng Kanyang gawain. Subalit may bahagi sa kanila ang hindi makakatanggap ng Kanyang pagliligtas; maliit na bilang lang ang makakatanggap ng Kanyang pagliligtas, dahil masyado nang patay ang karamihan sa mga tao, masyado na silang patay na hindi na sila maaari pang iligtas, ganap silang napagsamantalahan na ni Satanas, at sa kalikasan, ay sobrang sama ng kanilang budhi. Hindi rin ganap na nagawang sumunod sa Diyos ng maliit na bilang ng mga taong iyon. Hindi sila yaong mga lubos na naging tapat sa Diyos mula sa simula, o sukdulang nagmahal na sa Diyos mula sa simula; sa halip, naging masunurin na sila sa Diyos dahil sa Kanyang gawain ng panlulupig, nakikita nila ang Diyos dahil sa Kanyang kataas-taasang pagmamahal, may mga pagbabago sa kanilang disposisyon dahil sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at nakikilala nila ang Diyos dahil sa Kanyang gawain na parehong tunay at normal.
—mula sa “Ikaw Ba’y Nabuhay na?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Palaging nagawa nang perpekto ng Diyos yaong mga naglilingkod sa Kanya. Hindi Niya sila pinalalayas nang pagayon-gayon lamang. Kung tunay na tinatanggap mo ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, kung maisasantabi mo ang iyong mga lumang relihiyosong pagsasagawa at alituntunin, at hihinto sa paggamit ng mga lumang relihiyosong pagkaunawa bilang panukat ng salita ng Diyos ngayon, sa gayon lamang magkakaroon ng hinaharap para sa iyo. Ngunit kung kumakapit ka sa mga lumang bagay, kung itinuturing mo pa rin bilang kayamanan ang mga iyon, sa gayon walang paraan na maliligtas ka. Hindi pinapansin ng Diyos ang mga taong tulad niyan.
—mula sa “Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Yaong mga tunay na naniniwala sa Diyos ay yaong nakahandang magsagawa ng salita ng Diyos, at sila yaong mga nakahandang magsagawa ng katotohanan. Yaong mga tunay na nakakatayong saksi para sa Diyos ay yaon ding nakahandang magsagawa ng Kanyang salita, at sila yaong talagang nakakapanindigan sa panig ng katotohanan. Yaong mga gumagamit ng panlilinlang at gumagawa ng kawalang-katarungan ay mga taong walang katotohanan lahat at lahat sila’y nagdadala ng kahihiyan sa Diyos. Yaong mga nasa iglesia na sumasangkap sa mga pagtatalo ay mga tagasunod ni Satanas, at mga pagsasakatawan ni Satanas. Ang ganitong uri ng tao ay masyadong malisyoso. Yaong mga walang pagtalos at mga hindi nakakapanindigan sa panig ng katotohanan ay nagkakandiling lahat ng masamang mga intensiyon at dinudungisan ang katotohanan. Ang mga taong ito ay lalong higit pang karaniwang mga kinatawan ni Satanas; sila ay hindi matutubos at hindi na kailangang sabihin na sila ay mga bagay na aalising lahat. Yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan ay hindi dapat tulutang manatili sa pamilya ng Diyos, at maging yaong mga sinasadyang gibain ang iglesia. Nguni’t ngayon ay hindi ang panahon para gumawa ng gawaing pagtitiwalag. Sila ay malalantad lamang at maaalis sa katapusan. Walang gawaing walang saysay ang magagawa sa mga taong ito; yaong mga kabilang kay Satanas ay hindi nakakapanindigan sa panig ng katotohanan, samantalang yaong naghahanap para sa katotohanan ay nakakatayo sa panig ng katotohanan. Yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan ay hindi karapat-dapat makarinig sa daan ng katotohanan at hindi karapat-dapat sumaksi sa katotohanan. Ang katotohanan ay hindi talaga para sa kanilang mga tainga bagkus ito ay sinasalita para sa mga tainga niyaong nagsasagawa nito. Bago ibunyag ang katapusan ng bawat isang tao, yaong mga nanggugulo sa iglesia at nang-aabala sa gawain ay iiwan muna sa isang panig. Sa sandaling natapos ang gawain, ang mga taong ito ay malalantad nang isa-isa bago maaalis. Sa panahon ng pagkakaloob ng katotohanan, hindi sila pag-uukulan ng pansin pansamantala. Kapag nabunyag sa tao ang buong katotohanan ang mga taong iyon ay dapat maalis, dahil yaon din ang magiging sandali kung kailan pagbubukud-bukurin ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri. Dahil sa kanilang payak na katalinuhan, yaong walang pagtalos ay darating sa pagkawasak sa mga kamay ng masasamang tao at sila ay ililigaw ng masasamang tao at hindi na makababalik. Ang mga taong ito ay dapat hawakan sa ganitong paraan, yayamang hindi nila iniibig ang katotohanan, sapagka’t hindi sila nakakapanindigan sa panig ng katotohanan, sapagka’t sila ay sumusunod sa masasamang tao, tumitindig sila sa panig ng masasamang tao, at sapagka’t sila’y nakikipagsabwatan sa masasamang tao at sinasalangsang ang Diyos. Lubos nilang nalalaman na yaong masasamang tao ay nagbubuga ng kasamaan nguni’t pinatitigas nila ang kanilang mga puso at kumikilos nang pasalungat sa katotohanan upang sundan sila. Ang mga taong ito ba na hindi nagsasagawa ng katotohanan nguni’t gumagawa ng mapangwasak at kasuklam-suklam na mga bagay ay hindi gumagawang lahat ng kasamaan? Bagama’t mayroon yaong mga nasa gitna nila na inaayusan ang kanilang mga sarili bilang mga hari at yaong mga nakabuntot sa likuran, hindi ba magkakapareho ang kanilang mga kalikasan na sumusuway sa Diyos? Anong dahilan mayroon sila upang sabihin na hindi sila inililigtas ng Diyos? Anong dahilan ang mayroon sila upang sabihin na ang Diyos ay hindi matuwid? Hindi ba ang sarili nilang kasamaan ang sisira sa kanila? Hindi ba ang sarili nilang pagigingmapanghimagsik ang hahatak sa kanila pababa sa impiyerno? Yaong mga nagsasagawa ng katotohanan ay maliligtas sa katapusan at gagawing perpekto sa pamamagitan ng katotohanan. Yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan sa katapusan ay aakit ng pagkawasak sa pamamagitan ng katotohanan. Ang mga ito ang mga katapusan na naghihintay sa kanila na nagsasagawa ng katotohanan at yaong mga hindi nagsasagawa.
—mula sa “Isang Babala sa Mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang iba ay matino at maayos kung kumilos at tila lalong “pinong kumilos” sa presensiya ng Diyos, ngunit nagiging suwail at lubusang nawawalan ng lahat ng pagpipigil sa presensiya ng Espiritu. Ibibilang ba ninyo ang ganoong tao sa hanay ng mga matapat? Kung ikaw ay isang ipokrito at isa na bihasang makipagsosyalan, kung gayon ay sinasabi Kong ikaw ay tiyak na isa na nagwawalang-bahala sa Diyos. Kung ang iyong mga salita ay puno ng mga pagdadahilan at walang-kabuluhang mga pangangatwiran, kung gayon sinasabi Ko na ikaw ay isa na lubhang nasusuklam na magsagawa ng katotohanan. Kung marami kang mga itinatago na atubili kang ibahagi, at kung ayaw na ayaw mong ilantad ang iyong mga lihim—ibig sabihin, ang iyong mga paghihirap—sa harap ng iba upang sa gayon ay hanapin ang daan ng liwanag, kung gayon ay sinasabi Ko na ikaw ay isa na hindi madaling makakatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon mula sa kadiliman. Kung ang paghahanap sa daan ng katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa na laging nananahan sa liwanag. Kung galak na galak kang maging isang tagapagsilbi sa tahanan ng Diyos, masipag at matapat na gumagawa nang nakakubli, laging nagbibigay at hindi kailanman kumukuha, kung gayon ay sinasabi Ko na ikaw ay isang tapat na banal, sapagkat hindi ka naghahanap ng gantimpala at isang matapat na tao lamang. Kung handa kang maging lantad, kung handa kang gugulin ang iyong lahat-lahat, kung kaya mong isakripisyo ang iyong buhay para sa Diyos at tumayong saksi, kung ikaw ay matapat hanggang sa punto na ang alam mo lamang ay bigyang-kasiyahan ang Diyos at hindi isaalang-alang ang iyong sarili o kumuha para sa sarili, kung gayon ay sinasabi Ko na ang mga taong ito ay yaong pinalulusog sa liwanag at siyang mabubuhay magpakailanman sa kaharian.
—mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Bumibitaw ang ilang tao sa kanilang mga tungkulin kapag may negatibong bagay na nangyayari sa kanila, at hindi na nakakabangon matapos ang bawat balakid. Mga hangal ang mga taong ito na hindi nagmamahal sa katotohanan, at mabibigo silang makamtan ang katotohanan kahit gugulin nila ang habang buhay na pananampalataya. Paanong makasusunod hanggang wakas ang mga gayong hangal? Ang matatalinong tao at ang mga tunay na may katangiang panloob at nakakaunawa sa mga bagay na espirituwal ay mga naghahanap ng katotohanan, at walo sa sampung beses baka kaya nilang makamtan ang kaunting inspirasyon, aral, kaliwanagan at pag-unlad. Kapag ang parehong bagay ay nangyari sa isang hangal na hindi nakakaunawa sa mga bagay na espirituwal, sa sampung beses, ni minsan hindi nila makakamtan ang anumang pakinabang sa buhay, ni minsan hindi sila makagagawa ng anumang pagbabago at ni minsan hindi nila mauunawaan ang kanilang kalikasan. Nabibigo sila nang sampung beses, nadadapa sila nang sampung beses, nguni’t hindi pa rin sila nagigising ni hinahanap nila ang katotohanan para matagpuan ang ugat ng problema. Gaano man kalimit makinig ang ganyang uri ng tao ng mga sermon, hindi nila kailanman mauunawaan ang katotohanan—wala na silang pag-asa. Sa tuwing natitisod sila kailangan nila ng iba pa para tulungan silang makabangon, hikayatin sila. Kung hindi sila hinihikayat o tinutulungan, hindi sila basta babangong muli. Tuwing nangyayari ito, naroon ang panganib ng pagkahulog, at tuwina naroon ang panganib na sila’y magpapakasama. Hindi ba ito ang katapusan para sa kanila? May mga batayan pa ba para ang mga walang-silbing taong ito’y maligtas? Ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay pagliligtas para sa mga nagmamahal sa katotohanan. Ito’y pagliligtas para sa mga may determinasyon at kapasiyahan, ang mga naghahangad ng katotohanan at katuwiran. Para sabihing may kapasiyahan ang isang tao’y nangangahulugang minimithi nila ang katuwiran, kabutihan at katotohanan, at mayroon silang konsensiya. Gumagawa ang Diyos sa mga taong ito upang maunawaan nila at makamtan ang katotohanan, upang malinis ang kanilang katiwalian at mapanibago ang kanilang disposisyon sa buhay. Kung sa loob mo’y walang pag-ibig sa katotohanan o paghahangad para sa katuwiran at liwanag, kung gayon tuwing makakasagupa mo ang kasamaan, hindi ka magkakaroon ng determinasyong iwaksi ang masasamang bagay o ng kapasiyahang magdusa ng kahirapan, at kung manhid ang konsensiya mo, ang iyong kakayahang tumanggap ng katotohanan ay manhid din, hindi ka matalas sa katotohanan o sa mga bagay na nangyayari, hindi kayang pag-ibahin ang anuman, at wala kang abilidad na hawakan o lutasin ang mga bagay-bagay, kaya walang paraan para maligtas. Sa ganitong uri ng tao ay walang nagrerekomenda, walang anumang sulit na pagpaguran. Hindi sila tumutugon gaano man kaliwanag o kalinaw nagsasalita ang Diyos tungkol sa katotohanan, na para bang patay na sila. Hindi ba’t tapos na para sa kanila? Sinumang may hininga ay naililigtas sa pamamagitan ng artipisyal na paghinga. Nguni’t kung namatay na sila at umalis na ang kanilang kaluluwa, kung gayon walang magagawa ang artipisyal na paghinga. Sa sandaling may nangyayari sa iyo, nanliliit ka, at hindi nakasasaksi, kaya hindi ka kailanman naliligtas at lubusang napahamak.
—mula sa “Ang Mga Taong Lito ay Hindi Naliligtas” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Ang gayong mga tao ay walang pagkaunawa tungkol sa bagong gawain kundi puno ng walang-katapusang mga pagkaunawa. Sila ay walang anupamang silbi sa iglesia; sa halip, sila’y gumagawa ng kabulastugan at nagkakalat ng pagka-negatibo kung saan-saan, kahit hanggang sa punto ng pagsangkap sa lahat ng uri ng maling-asal at panggugulo sa iglesia, at sa gayon ay isinusuong yaong mga kulang sa kabatiran tungo sa pagkalito at kawalang-kaayusan. Itong mga buhay na diyablo, itong masasamang espiritu ay dapat umalis sa iglesia sa lalong madaling panahon, kung hindi, ang iglesia ay masisira nang dahil sa iyo. Maaaring hindi mo kinatatakutan ang gawain sa ngayon, nguni’t hindi mo ba kinatatakutan ang matuwid na kaparusahan sa hinaharap? Mayroong malaking bilang ng mga tao sa iglesia na mga pabigat, gayundin ang malaking bilang ng mga lobo na naghahangad na guluhin ang normal na gawain ng Diyos. Ang mga bagay na ito ay mga demonyong lahat na ipinadala ng hari ng mga demonyo, masasamang lobo na naghahangad na silain ang walang-malay na mga kordero. Kung hindi itinitiwalag ang tinutukoy na mga taong ito, sila ay nagiging mga linta sa iglesia at mga gamu-gamong lumalamon ng mga kaloob. Itong mga walang-kwenta, mangmang, hamak, at karima-rimarim na mga uod ay mapaparusahan isang araw!
—mula sa “Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Yaong mga ang iniisip lamang nila ay ang kanilang laman at gusto ng kaaliwan, yaong ang pananampalataya ay malabo, yaong mga nakikibahagi sa panggagaway at pangkukulam, yaong mga walang delikadesa, at gula-gulanit at gusut-gusot, yaong mga nagnanakaw ng hain kay Jehova at ng kung anong mayroon Siya, yaong mga umiibig sa mga suhol, yaong mga basta na lamang nangangarap ng pagpunta sa langit, yaong mga mapagmataas at palalo, at nagsisikap lamang para sa katanyagan at kayamanan, yaong mga nagpapalaganap ng walang pakundangang mga salita, yaong mga namumusong sa Diyos Mismo, yaong mga walang ginagawang anuman maliban sa paggawa ng mga paghatol laban sa at paninira sa Diyos Mismo, yaong mga pinagtutulungan ang iba at nagtatangkang bumuo ng sariling pangkat, yaong mga itinatanyag ang mga sarili nang mas mataas kaysa sa Diyos, yaong mga di-seryosong binata at dalaga, at mga may-edad na at matatandang lalaki at babae na nabitag sa kahalayan, yaong mga lalaki at mga babae na tinatamasa ang pansariling katanyagan at kayamanan at hinahangad ang pansariling katayuan kasama ng iba pa, yaong mga taong di-nagsisisi na nabitag sa kasalanan—hindi ba sila lahat ay malayo sa kaligtasan? Ang kahalayan, pagiging makasalanan, panggagaway, pangkukulam, pagmumura, at walang-pakundangang mga salita ay laganap sa inyo habang niyuyurakan ninyo ang mga salita ng katotohanan at buhay, at ang banal na pananalita ay binigyang kahulugan sa inyo. Kayong mga Gentil, namamaga sa karumihan at pagsuway! Saan kayo magtatapos? Anong lakas ng loob ng yaong mga umiibig sa laman, na gumagawa ng masasamang gawa ng laman, at nabitag sa mahahalay na kasalanan na manatiling nabubuhay? Hindi mo ba nalalaman na ang mga taong kagaya ninyo ay mga uod na malayo sa kaligtasan? Ano ang inyong karapatan upang hilingin ang ganito at ganoon? Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ni katiting na pagbabago sa kanila na hindi umiibig sa katotohanan at ang iniibig lamang ay ang laman—kaya paano maliligtas ang gayong mga tao? Maging sa kasalukuyan, yaong mga hindi umiibig sa daan ng buhay, na hindi dumadakila sa Diyos at hindi nagpapatotoo sa Kanya, na nadadaya sa kapakanan ng kanilang mga kalagayan, na pinupuri ang kanilang mga sarili—hindi ba sila magkakapareho lamang? Nasaan ang halaga sa pagliligtas sa kanila? Kung ang tao ay maliligtas ay hindi nakasalalay sa kung gaano ka kakarapat-dapat, o kung ilang taon ka nang gumagawa, lalong hindi kung gaano karami ang iyong mga patunay. Ito ay nakasalalay sa kung ang iyong paghahabol ay nagbunga na. Dapat mong malaman na yaong mga ligtas ay ang mga “puno” na nagbubunga, hindi ang mga puno na mayroong mayayabong na dahon at saganang bulaklak nguni’t hindi nagbubunga. Kahit na gumugol ka ng maraming taon sa paggala-gala sa mga lansangan, ano ngayon? Nasaan ang iyong patotoo? Ang iyong paggalang sa Diyos ay higit na mababa kaysa sa pag-ibig mo sa iyong sarili at iyong pagpapakalabis sa kahalayan—hindi ba ang isang kagaya nito ay isang mababang-uri? Paano sila magiging isang uliran at modelo para sa kaligtasan? Ang iyong kalikasan ay hindi maaaring baguhin, masyado kang mapanghimagsik, ikaw ay malayo sa kaligtasan! Hindi ba gayon ang uri ng mga tao na aalisin? Ang panahon ba kapag natapos ang Aking gawain ay hindi ang panahon ng pagdating ng iyong huling araw? Gumawa na Ako ng napakaraming gawain at nagsalita ng napakaraming salita sa inyo—gaano karami rito ang nagdaan sa inyong mga tainga? Gaano karami rito ang kailanman ay sinunod ninyo? Kapag natapos ang Aking gawain ay gayundin titigil ka sa paglaban sa Akin at pagtindig laban sa Akin. Sa panahon ng Aking gawain, palagi kayong kumikilos laban sa Akin; hindi kayo kailanman tumalima sa Aking mga salita. Ginagawa Ko ang Aking gawain, at ginagawa mo ang iyong sariling “gawain,” gumagawa ka ng sarili mong maliit na kaharian—kayong kawan ng mga alamid at mga aso, lahat ng inyong ginagawa ay laban sa Akin! Palagi ninyong sinusubukang dalhin yaong mga kayo lamang ang iniibig sa inyong pagkalinga—nasaan ang inyong paggalang? Ang lahat ng inyong ginagawa ay mapanlinlang! Wala kayong pagkamasunurin o paggalang—lahat ng inyong ginagawa ay mapanlinlang at mapamusong! Ang gayon bang mga tao ay maliligtas? Ang mapakiapid, mahahalay na mga tao ay palaging gustong hilahin papunta sa kanila yaong mga kiring mga patutot para sa kanilang sariling kasiyahan. Lubos na hindi Ko ililigtas ang gayong mapakiapid na imoral na mga demonyo. Kinasusuklaman Ko kayong maruruming demonyo, ilulublob kayo ng inyong kahalayan at kalandian sa impiyerno—ano ang masasabi ninyo para sa inyong mga sarili? Kayong maruruming demonyo at masasamang espiritu ay talagang nakakadiri! Kayo’y kasuklam-suklam! Paano maliligtas ang gayong basura? Yaon bang mga nagapos sa kasalanan ay maliligtas pa rin? Ngayon, ang katotohanang ito, ang ganitong paraan, at ang buhay na ito ay walang pang-akit sa inyo; naaakit kayo sa pagiging makasalanan, sa salapi, pagtindig, katanyagan at pakinabang, sa mga kasiyahan sa laman, ang kaguwapuhan ng mga lalaki at kalandian ng mga babae. Ano ang karapatan ninyo upang pumasok sa Aking kaharian? Ang inyong anyo ay mas dakila pa kaysa sa Diyos, ang inyong kalagayan ay mas mataas pa kaysa sa Diyos, idagdag pa ang inyong karangalan sa mga tao—kayo ay naging idolo na sinasamba ng mga tao. Hindi ba’t ikaw ay naging ang arkanghel? Kapag ang kalalabasan ng tao ay nabunyag, na siya ring kapag malapit nang magwakas ang gawaing pagliligtas, marami sa inyo ang magiging mga bangkay na malayo sa kaligtasan at kailangang alisin.
—mula sa “Pagsasagawa (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga tao na makakaligtas kinalaunan sa pamamagitan ng kapahingahan ay lahat mapagtitiisan ang araw ng pagdurusa at makasasaksi rin para sa Diyos; sila ay ang mga taong nakatapos na ng kanilang tungkulin at hinahangad na makasunod sa Diyos. Yaong mga nais lang gamitin ang pagkakataon na gumawa ng serbisyo upang maiwasan ang pagsasagawa ng katotohanan ang hindi makakayang manatili. Ang Diyos ay may naaangkop na mga pamantayan para sa pag-aayos ng mga kalalabasan ng lahat ng tao; hindi lang Niya ginagawa ang mga desisyon na ito ayon sa mga salita at pag-uugali ng isang tao, hindi rin Niya ito ginagawa ayon sa kanilang pag-uugali sa isang yugto ng panahon. Siya ay lubusang hindi magiging maluwag sa lahat ng masasamang pag-uugali dahil sa nakaraang paglilingkod ng isang tao sa Diyos, at hindi rin Niya patatawarin ang isa sa kamatayan dahil sa isang beses na paggugol sa Diyos. Walang sinuman ang makakaiwas sa paghihiganti para sa kanilang kasamaan, at walang sinuman ang mapagtatakpan ang kanilang masasamang pag-uugali at sa gayong paraan ay iniiwasan ang paghihirap ng pagkawasak. Kung totohanang magagawa ninuman ang kanyang sariling tungkulin, kung gayon nangangahulugan ito na sila ay walang hanggang tapat sa Diyos at hindi naghahanap ng mga gantimpala, hindi alintana kung tumatanggap sila ng mga biyaya o nagdurusa ng kasawian. Kung ang mga tao ay tapat sa Diyos kapag nakikita nila ang mga biyaya ngunit nawawala ang kanilang katapatan kapag hindi sila makakakita ng mga biyaya at sa katapusan ay hindi nagagawang sumaksi sa Diyos at hindi pa rin nagagawa ang kanilang tungkulin ayon sa nararapat, ang mga taong ito na minsang naglingkod sa Diyos nang tapat ay wawasakin pa rin. Sa madaling salita, ang masasamang tao ay hindi makakaligtas tungo sa walang-hanggan, at hindi rin sila makakapasok sa kapahingahan; tanging ang mga matuwid lang ang mga panginoon ng kapahingahan.
—mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.