Alam Mo na Darating ang Panginoon Sakay ng “Ulap,” Ngunit Alam Mo Ba ang mga Hiwaga ng Ulap na Iyon?

103088162_2926843544036163_917025336756459870_o

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa loob ng ilang libong mga taon, pinananabikan na ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan na ng tao na mapagmasdan si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna niyaong mga nanabik na at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong mga taon. Hinangad na ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makasama ng mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasakatuparan ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa gitna ng mga Judio, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, patatawarin ang mga kasalanan ng tao, papasanin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at palalayain ang tao mula sa kasalanan. Pinananabikan nila na si Jesus na Tagapagligtas ay maging katulad ng dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman napopoot sa tao, at hindi kailanman nanunumbat sa tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at nagpapasan ng lahat ng mga kasalanan ng tao, at namamatay pang muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga banal na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nangungulila sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat niyaong mga naligtas sa pamamagitan ng biyaya ni Jesucristo sa Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa masayang araw na yaon sa mga huling araw, kung kailan si Jesus na Tagapagligtas ay dumarating sa isang puting ulap at nagpapakita sa gitna ng tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang inaasam ng lahat niyaong mga tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat niyaong mga nakakaalam tungkol sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay desperado nang nananabik para sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus noong nasa lupa: ‘Babalik Ako tulad ng Aking paglisan.’ Ang tao ay naniniwala na, kasunod ng pagkakapako sa krus at pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Iniisip ng tao na kahalintulad nito, si Jesus ay bababang muli sakay ng isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa gitna niyaong mga desperado nang nananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na tataglayin Niya ang larawan at pananamit ng mga Judio. Matapos ang pagpapakita sa tao, magkakaloob Siya ng pagkain sa kanila, at magsasanhi ng pagbukal ng tubig na nagbibigay-buhay para sa kanila, at mamumuhay kasama ng tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwa’t hindi ito ginawa ni Jesus na Tagapagligtas; ginawa Niya ang kabaligtaran ng inisip ng tao. Hindi Siya dumating sa gitna niyaong mga naghangad sa Kanyang pagbabalik, at hindi nagpakita sa lahat ng tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subali’t hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang alam tungkol sa Kanya. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, hindi-nakakamalay na nakababa na Siya sakay sa isang ‘puting ulap’ (ang ulap na ang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng kung ano Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa mga huling araw” (“Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap'”).


Natupad na ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, kaya paano natin malalaman kung kailan babalik si Jesus?

Inirerekomenda: Kailan Babalik ang Panginoong Jesus? Paano natin Siya Sasalubungin?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.