Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | “Ang Kalungkutan ng Tiwaling Sangkatauhan”

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | “Ang Kalungkutan ng Tiwaling Sangkatauhan”

Panimula
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | “Ang Kalungkutan ng Tiwaling Sangkatauhan”

I

Ang tao’y naglakad kasama ang D’yos sa paglipas ng mga taon,

ngunit di alam ng tao na hawak ng

Diyos ang tadhana ng lahat ng bagay.

Lalong di alam papaano magsaayos ang Diyos,

mamahala sa lahat ng bagay.

Gayong bagay ang ‘di alam ng tao noon hanggang ngayon

‘di dahil mailap ang mga gawa ng Diyos,

o plano Niya’y di pa naisakatuparan,

nguni’t dahil puso’t espiritu ng tao, napakalayo sa D’yos.

Kahit tao’y sumusunod sa Diyos.

Walang malay siyang nagsisilbi kay Satanas.

Walang aktibong humahanap sa bakas ng D’yos.

Walang sinumang aktibong naghahanap sa pagpapakita ng D’yos,

at wala ring nais mabuhay sa pag-aruga’t

pag-iingat ng D’yos.

Mas gusto nilang umasa sa kaagnasan ni Satanas

upang umangkop sa masasamang tuntunin ng buhay ng tao.

Di namalayan na sa proseso,

puso’t espiritu N’ya’y isinakripisyo kay Satanas at ng kasamaan.

Bukod dito, puso’t espiritu ng tao’y

nagiging tahanan ni Satanas at kanyang palaruan.

II

Sa paraang ito, di namamalayang ‘di na maunawaan ng tao

ang mga prinsipyo ng pagiging tao,

at halaga at layunin ng pag-iral ng tao.

Mga batas mula sa D’yos at ang tipan N’ya sa tao

dahan-dahang kumupas sa puso ng tao

at di na n’ya hinahanap ni pakinggan man ang Diyos.

Sa paglipas ng panahon tao’y di na makaintindi

kung bakit s’ya’y nilikha ng D’yos,

di maintindihan mga salita ng Diyos

di matanto na lahat ay nanggagaling sa D’yos.

Nagsisimulang labanan ng tao

mga batas at kautusang itinakda ng D’yos;

puso’t espiritu niya’y naging patay.

Nawala ng Diyos ang orihinal na tao.

Nawala ng tao ang kanyang pinagmulan.

Ito ay ang lungkot ng sangkatauhang ito.

Ito ay ang lumbay ng sangkatauhang ito.

Ito ay ang lungkot ng sangkatauhang ito.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.