Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | “Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa”

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | “Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa”

Panimula
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | “Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa”

   Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Diyos ay hindi lamang ang Banal na Espiritu, ang Espiritung iyon, pitong beses na pinatinding Espiritu, ang sumasaklaw ng lahat sa Espiritu, kundi isa ring tao, isang ordinaryong tao, isang napakakaraniwang tao.

Hindi lamang Siya lalaki, kundi pati na rin babae. Sila ay may pagkakapareho kung saan pareho silang ipinanganak sa tao, at magkaiba dahil ipinanganak ang isa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ang isa ay ipinanganak bilang tao ngunit nagmula mismo sa Espiritu. Sila ay magkatulad kung saan sila ay parehong nagkatawang-tao na Diyos na ipinapatupad ang Gawa ng Diyos Ama, at magkaiba dahil ang isa ay gumagawa ng gawain ng pagtubos at ang isa ay gumagawa ng gawain ng panlulupig. Parehong kumakatawan sa Diyos Ama, ngunit ang isa ay ang Panginoon ng pagtubos na puno ng kagandahang-loob at awa, at ang isa naman ay ang Diyos ng katuwiran na puspos ng galit at paghatol. Ang isa ay ang Kataas-taasang Tagapagpatupad upang ilunsad ang gawa ng pagtubos, at ang isa ay ang matuwid na Diyos upang matupad ang gawa ng panlulupig. Ang isa ay ang Simula, at ang isa naman ay Wakas. Ang isa ay walang kasalanang katawan, ang isa naman ay katawan na tumatapos ng pagtubos, nagpapatuloy ng gawa, at hindi kailanman nagkasala. Ang dalawa ay ang parehong Espiritu, ngunit tumira Sila sa iba’t ibang katawang-tao at parehong ipinanganak sa iba’t ibang mga lugar. At Sila ay pinaghiwalay nang ilang libong taon. Gayon man, ang lahat ng Kanilang mga gawa ay magkasangga, hindi magkasalungat, at maaaring sambitin sa parehong hininga. Pareho Silang tao, ngunit ang isa ay batang lalaki at ang isa naman ay batang babae. “

   Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.