Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Disidido Akong Sundin ang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Disidido Akong Sundin ang Diyos

Himno
Disidido Akong Sundin ang Diyos

I
Tinangan nang matagal ang pananalig,
nakita ngayon ang liwanag.
Dumanas ng tagumpay, kabiguan,
pag-uusig at kahirapan.
Tinanggihan ng mundo;
nilayuan ng mga mahal ko.
Maraming gabing nanatiling gising at nanalangin?
Ligaya at kalungkutan, damit na basa ng luha.
Naglilibot araw-araw,
walang lugar na pahingahan.
Kalayaan, isa lang paimbabaw,
karapatang pantao’y di umiiral?
Matinding galit kay Satanas!
Inaasam ang pagkuha ni Cristo ng kapangyarihan!
Itong mundo, madilim at masama,
mas ninanais ko ang liwanag ng buhay.
Si Cristo ang katotohanan, daan, at buhay.
Nagpasya ako na sundin Siya.
Itong mundo, madilim at masama,
mas ninanais ko ang liwanag ng buhay.
Si Cristo ang katotohanan, daan, at buhay.
Nagpasya ako na sundin Siya.
II
Pinatamaan ng Diyos ang mga pastol;
nagkaroon ng kapighatian.
Madilim na ulap bumaba,
may sindak kahit saan.
Sa kamay ng diyablo’y nabitag,
na halos siyang ikamatay.
Kaluwagan sa salita ng Diyos,
puso ko’y pinalakas.
Inabot lahat ng hirap, alam ko Diyos ay pag-ibig.
Pinamamahalaan ng Diyos ang lahat,
ngunit pananalig ay salat.
Pagsubok ng maapoy na lawa,
ako’y maraming ani rito.
Basang-basa ko si Satanas,
galit sa malaking pulang dragon.
Pulang dragon, malupit at masama,
mga tao’y nilamon at pinasama.
Katotohana’t buhay, di madaling matamo;
mamahalin ko ang Diyos, at pasasayahin ko.
Pulang dragon, malupit at masama,
mga tao’y nilamon at pinasama.
Katotohana’t buhay, di madaling matamo;
mamahalin ko ang Diyos at pasasayahin ko.
III
Iniisip ang gawa ng Diyos,
dama ko ang kabaitan ng Diyos.
Tinatanggap paghatol ng Diyos,
disposisyon ay binabago.
Masakit na pagkastigo,
mas nakilala ko ang Diyos.
Isang karangalan ang sundin
ang Makapangyarihang Diyos
Paggugol para sa tunay na Diyos,
guminhawa ang puso ko.
Tapat na ginawa ang tungkulin,
nalulugod sa kapaitan.
Ang buhay ay maikli, isang kisap-mata;
masaya ang Diyos na mapagmahal.
Pinagpalang maglingkod sa Diyos,
wala na akong mahihiling pa.
Ang Makapangyarihang Diyos
ang nagliligtas sa akin.
Siyang nagbibigay ng tunay na buhay.
Natupad ko ang pinakaaasam.
Magpapatuloy ako sa pagtakbo.
Ang Makapangyarihang Diyos
na nagliligtas sa akin.
Siyang nagbibigay ng tunay na buhay.
Natupad ko ang pinakaaasam.
Magpapatuloy ako sa pagtakbo.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

   Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. alagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.